It's been a week at madalang niya lang makita si Yessha. Kung makita niya man ito lagi itong nakangiti at nakatawa pero alam niyang nag papanggap lang ito na okay. Hindi niya rin naman ito malabas para mag-date dahil mas nagkakagulo ang media dahil may mga litrato sila ni Eleina na kumakalat na may relasyon daw sila. Pero hindi naman iyon totoo kaya iniiwasan na lang niya ang mga media. "Nag-post na naman 'yong shipper niyo ni Eleina. Mas lalong dumadami ang naniniwala na magkarelasyon kayo," sambit ng manager niya na si Ric. Napahilot siya sa kaniyang sintido dahil sumasakit na ang ulo niya. There's a fan account for him and Eleina. Shini-ship nito silang dalawa at kung ano-anong pinagpo-post nito na tungkol sa kanilang dalawa. Wala namang masama dahil fan ito pero dahil sa mga post

