HINDI na ako nagpaligoy-ligoy pa. Agad akong pumasok sa bahay at sumakay sa kotse ko. Mabilis kong pinaandar ang sasakyan ko patungo sa bahay nina Lance. Madilim na nang ako ay makarating. "Oh, hija.." Ang Daddy ni Lance ang una kong nabungaran. "Good evening po, Tito. Si Lance po?" "Good evening din. Pasok ka." Aniya at pumasok naman ako. "Nasa kwarto niya. Mukhang wala na naman sa mood." "Pwede ko po ba siyang makausap?" "Oo naman, puntahan mo nalang siya sa kwarto niya." Nakangiti akong tumango. "Thank you po, Tito.." Agad akong umakyat patungo sa tapat ng kwarto ni Lance. Huminga muna ako ng malalim bago magsimulang kumatok. Wala akong marinig na sagot mula sa loob. Kumatok muli ako, wala parin. Ikatlo at ikaapat na katok ay wala talaga. "Lance..." Mahinahong tawag ko. "I'm g

