“JR, I TOLD YOU NOT TO RUN.” Saway ni Molly sa kanyang anak na kinarga ni Lance. “Hays, itong batang ‘to talaga.” Bumaling siya sa’ kin at bigla na lang nagulat na naroon pala ako. “Oh my God! Cat!” Pilit akong napangiti. Napakaganda niya parin. Hindi halatang nanggaling sa panganganak. “OMG, Cat, I missed you.” Tuwang tuwa niya akong niyakap. “Kumusta na?” tanong niya nang magkahiwalay kami. “I’m good. Ikaw kumusta? M-Mukha namang masaya ka na sa bago mong pamilya.” “Of course, my heart is so full of happiness. Dito pa lang sa anak ko, sobrang kompleto na ang buhay ko.” Matamis ang ngiting sabi niya habang nakatingin sa anak. Mas malaki ang hawig nito sa kanya kumpara kay Lance. Hindi ko naman alam kung sa kanya rin ba nakuha ang kulay ng buhok ng bata since pareho silang blonde.

