AGAD na akong nagpaalam kay tito Laurenz. Pinilit kong bumalik sa pagtatrabaho pero tila natulala lang ako. Hindi ko masimulang igalaw ang mga kamay ko. Muling sumagi sa isipan ko ang mga nangyari sa America. Ang pagtanggi ni Lance sa akin. Ang mga mata niyang galit sa tuwing nakikita ako. Ang mga malambing niyang usal kay Molly. Lalo na sa sandaling nakita ko silang naghahalikan. Hindi ko na namalayang tumulo na pala ang luha ko. Nagulat na lang ako nang pumatak iyon sa ginagawa ko. “Oh no!” nataranta ako nang kumalat ang tinta ng dinrawing kong design. Sinubukan ko iyong burahin pero mas lalo lang iyong nagkalat at dumumi. “s**t!” galit na tili ko. Dahil sa inis ko ay kinuha ko iyon at pinunit punit. Bigla na lang akong napaiyak. Naihilamos ko ang aking mga palad sa mukha ko

