Pabagsak na inilapag ni Cedric ang dala-dala niyang folder sa ibabaw ng kanyang mesa saka siya umupo sa kanyang swivel chair na siya namang pagpasok ng iba pa niyang kasamahan. "What is wrong with you, Mr. Agustin?" tanong sa kanya ni Wilfred, ang may hawak sa marketing departmet. "We're not done yet with our interview to all applicants pero bakit bigla niyo lang tinapos?" tanong ni Fiene. Biglang tumunog ang kanyang phone at nakita niya na ang tumatawag sa kanya ng mga oras na 'yon through video call ay walang iba kundi ang dati niyang secretary na si Wendell. "Don't you see? I still have a call that I need to pick up." Nagkatinginan na lamang ang dalawa saka agad na lumabas mula sa kanyang opisina. "I can't really understand him," reklamo pa ng dalawa na siya namang narinig ni T

