Parang tumigil sa pag-inog ang mundo ng dalaga sa muling pag-angkin ni Cedric sa kanyang mga labi. Kumabog muli ang kanyang dibdib at kahit na basang-basa na siya ng ulan ay napakainit pa rin ng kanyang pakiramdam. At wala na siyang ibang ginawa pa kundi ang ipikit na lamang ang kanyang mga mata at namnamin ang ganu'ng eksena ng kanyang buhay. After a couple of seconds, pinakawalan na rin ng binata ang kanyang mga labi habang pareho na silang basang-basa ng ulan. "I will call Lando to pick you up there," saad ni Cedric kay Kiera habang kausap pa nito sa phone ang dating nobya habang ang mga mata nito ay nakatuon sa kanyang secretary. Agad na in-end ni Cedric ang tawag sa kanya ni Kiera. Napatawag ito sa kanya dahil gusto nitong magpasundo pero ayaw naman niyang gawin ang mga bagay na

