"Well, that's not a big deal, Mr. Agustin but if you don't mind, you can send me your secretary as my birthday gift." Naalala niyang sabi sa kanya noon ni Mr. Sabino nang sabihin niyang hindi siya makakadalo sa birthday party nito dahil sa may mga mahahalagang bagay pa siyang kinakailangang ayusin ng mga oras na 'yon. "Alam mo na what does it mean. You have a beautiful and innocent secretary and I want to know more about her if it's okay to you." Namumuo ang pagdududa sa kanyang isipan nang maaalala niya iyon. Hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isipan ngayon ni Mr. Sabino kaya hindi niya napigilan anb sariling mag-isip ng kung ano-ano. "'Cause I like her. I like her innocence. I like her as a woman." Pasimpleng ikinuyom niya ang kanyang kamao saka agad niyang kinuha ang kanyang

