"Mia?" takang-tanong ni Nayume nang makita niya ang kanyang kapatid na nasa loob na ng bahay na kanyang tinutuluyan. Napaiyak itong agad na lumapit sa kanya sabay yapos ng mahigpit na yakap sa kanya na siya namang ikinabigla niya nang labis. "Anong nangyari?" naguguluhan niyang tanong habang nakayakap sa kanya si Mia. "Alam mo bang labis kaming nag-aalala sa'yo du'n? Si Papa halos hindi na makatulog sa kaiisip sa'yo," sabi nito habang naka-pout pa na parang batang nagsusumbong. "Okay naman ako," sabi naman niya sabay ngiti. "Eh, bakit na-ospital ka kung okay ka?" Napatingin si Nayume kay Jenny na siyang nagbabantay sa kanya maging sa bahay. Ayaw na niya sanang hanggang sa bahay ay babantayan pa siya nito pero dahil utos ni Cedric ay wala na siyang nagawa pa. Takot naman si Jenny na

