"About my company, I will find a way to solve it," aniya na siyang lihim na ikinatuwa ni Trina. "Kung noon mo pa sana naisip ang bagay na 'yon, eh di sana okay kayo ngayon." Naningkit ang mga mata ni Cedric nang tingnan niya ang kanyang pinsan dahil sa tinuran nito. "Mukhang ipinapamukha mo sa akin na hindi ako nag-iisip, ah!" "Ano sa tingin mo. Tama rin naman ako, di ba?" Tumahimik na lamang si Cedric dahil may point din naman ang kanyang pinsan. Kung noon pa sana niya naisip na marami pa siyang ibang paraan upang maisalba niya ang kanyang kompanya, eh di sana walang luhang umagos nang dahil lang sa isang bagay na napagdesisyunan niya pero hindi man lang niya napag-isipan kung ano ang maaaring magiging bunga nu'n pagkatapos ng lahat. Mabilis ang paggaling ni Cedric dahil wala naman

