"About last night-----"Ah! Wala po 'yon, Mr. CEO, alam ko naman na nadala lang kayo ng damdamin niyo. Alam ko naman na hindi niyo sinadya 'yon," agad na putol ni Nayume sa iba pa sanang sasabihin ng binata. Pumihit si Cedric na may ngiti sa kanyang mga labi paharap sa dalaga na halos hindi makatingin sa kanya ng diretso. "What are you talking about?" Kunot-noong nag-angat ng mukha si Nayume saka ito napatingin kay Cedric na puno ng katanungan ang mga mata. "'Yong... 'yong tungkol sa kiss. Hindi po ba 'yon ang tinutukoy niyo?" kinakabahan nitong sagot. "Bakit may sinabi ba ako na ang kiss ang tinutukoy ko?" Napaawang ang mga labi ni Nayume. Halos hindi siya makaimik sa sobrang hiya na kanyang nararamdaman. "So, ibig bang sabihin nu'n..." Napaatras na lamang si Nayume nang dahan-da

