Nakailang buntong-hininga na rin ang ginawa ni Nayume bago pa niya pinindot ang doorbell ng condo unit ng kanyang boss. Kinakabahan kasi siya matapos niya itong iwasan, nag-iba na rin ang pakikitungo nito sa kanya. Nakailang pindot na siya sa doorbell nito ay hindi pa rin siya nito binuksan. "Just open his unit if he's not answering dahil baka nakatulog lang," naaalala niyang pahayag ni Mr. Chen kanina nang utusan siya nito. Muli niyang pinindot ang doorbell pero wala pa rin siyang tugon na natanggap kaya ginamit na lamang niya ang passwords na ibinigay sa kanya ni Mr. Chen. Matapos niyang pindutin ang passwords ay bigla itong bumukas. "Mr. CEO?" tawag niya rito pero kagaya ng dati wala pa rin siyang natanggap na sagot. Dahan-dahan niyang itinulak ang pintuan hanggang sa nakapasok

