Kinabukasan ay maagang nagising ang binata. Nakasanayan na kasi niya ang magising ng maaga dahil sa trabaho niya. At nang imulat na niya ang kanyang mga mata ay ang mukha kaagad ni Nayume ang siyang sumalubong sa kanyang paningin. Napangiti siya nang wala sa oras habang pinagmamasdan niya ang dalaga na nanatili pa ring nakatulog at bago pa man magising si Nayume at makita siya nito sa tabi nito ay agad na rin siyang bumangon at bumaba ng kama. Pagkatapos niyang ayusin ang sarili at maghilamos ay dumiretso na siya ng kusina para magluto. Sa loob ng ilang taon ay ngayon pa lamang ulit siya nakaramdam ng excitement habang nagluluto. At sa loob din ng ilang taon ay ngayon lang din niya ulit gagawin ang magluto ng agahan! Masiglang-masigla siya ng araw na 'yon at ewan niya kung bakit bast

