chapter 7
Simula ng magkausap na, sina grasya at Lance. Gabi-gabi niya na itong iniisip, hindi siya makatulog, inaabangan nya kung magtetext o tatawag ito sa kanya. Ngunit mahigit ng dalawang linggo ang kanilang pag -uusap, wala pa ring lance na magtetext o tatawag. labis ang kanyang kalungkutan na kanyang nadarama! akala nya iyon na ang simula ng kanilang pag iibigan.
hoy! grasya, mayroong tayo ngayon boardwork sa ating subject sa math. meron kana bang sagot? sa mga problema ibinigay ni sir, sabi ng kanyang classmate na si tintin. Hindi pa nga? eh anuman naman ang aking isasagot, kahit isa doon sa mga problemang iyon halos hindi ko nga maintindihan. Hayaan ko nalang yon! ang dami ko pang iniisip!
dumating na ang kanilang guro sa math na si sir Roy tumahimik agad sila, dahil kung sino ang madatnan nya na hindi nagbebehave agad agad iyon ang kanyang tatawagin upang sumagot sa kanilang boardwork, dahil nga hindi mapakali si grasya, nanatili parin siyang nakatayo sa kanyang upuan na hindi niya napapansin ang pagpasok nga kanilang guro. bigla nalang siyang tinawag ni sir Roy.
Oh grasya! sagutan mo sa board ang problema number 1. doon lamang nagising si grasya sa kanyang pag muni muni. okey po sir! at nag Simula naring sagutan ni grasya ang problem number 1, tsenek na ni sir Roy ang sagot ni grasya. Buti nalang tama ang kanyang sagot pagkatapos itsek ng kanyang guro, labis ang kanyang pasasalamat.
la, mano po turan grasya sa kanyang lola na nag wawalis sa kanilang bakuran. La tanghaling tapat nag wawalis ka? okey lang ito apo, tapos naman akong mag saing ng ating pananghalian! kumain kana! turan ng kanyang lola.sige la! hintayin nalang kita para sabay na tayong mananghalian. Si lolo la, hindi pa ba umuuwi? opo, apo mamayang hapon pa si lolo mo uuwi kasi marami pa siyang ginagawa sa bukid.
habang sila ay kumakain bigla nalang tumunog ang kanyang celphone. Agad agad naman tumakbo si grasya patungo sa kanilang salas upang kunin ang kanyang phone, tiningnan niya kung sino ang tumatawag, OMG tumuli siya ng malakas bago nya ito sinagot dahil baka marinig siya sa kabilang linya. pinindot na niya ang answer button at Sabay sagot sa kanyang celphone, ahem medyo nauutal pa siya sa pagsambit sa pangalan ni ah Lalance! napatawag ka?impit ang kanyang kakiligan. sagot naman sa kabilang linya... Oh hi! grasya namiss mo ba ako? kasi ako sobrang miss kita eh! nakakahiya mang sabihin pero iyon ang totoo. Matagal na nga kitang gustong tawagan kaya lang marami akong mga ginawa, eh ngayon lang ako nakatyempo para tawagan ka.! turan ni lance sa kabilang linya. Sinagot naman ito ni grasya, ah eh! lance sobrang pinakilig mo naman ako eh! miss mo ako kaagad hindi mo naman ako kinamusta, bago mo sana ako pakiligin nakasmile na turan ni grasya! ikaw talaga grasya palabiro ka pala, sige ka baka maniwala ako sa sinasabi mo at palagi na kitang pakikiligin sa pamamagitan ng panliligaw! oh ano bakit parang tumahimik ka? mayroon bang magagalit kung sakaling ligawan kita. turan ni lance. ahhh Lance sobra sobra talagang supresa ang dala mo sa akin.baka niyan eh binibiro mo lang dahil wala kang magawa, gaya mg sabi mo kaya tinawagan mo ako.ang sabi naman ni grasya.
Hindi ako nagbibiro grasya gustong gusto kitang ligawan simula ng malapitan kitang nakita doon kina Eren ay alam kong gusto talaga kita ligawan, eh grasya pwede ba kitang ligawan? Oo lance pwedeng pwede mo akong ligawan walang magagalit promise.....so ibig sabihan dahil pinayagan mo akong ligawan kita? eh may pag asa ba akong maging girlfriend kita? ang sabi ni lance kanya.
oo naman basta manligaw ka muna! liligawan talaga kita! oh siya sige grasya may aasikasuhin pa ako hah, basta asahan ko iyang sinabi mo bukas bukas ligawan na agad kita at hindi ako makakapghihintay na maging girlfriend kita.bye ingat soon to be my girl.
sige bye lance ingat ka din future boyfie!
hoy grasya ano ba bat ang tagal mo diyan!tapusin mo na ang iyong pagkain dahil lumalamig na ito at mahuhuli kana sa pagpasok! opo la, saglit nalang andiyan na.. la, hindi na po ako papasok, kasi po baka pagalitan ako nung teacher namin sa ESP kasi huli naman ako. oh siya sige pero bukas hah wag ka ng lumiban. Eh maiba ako sino ba iyong kausap mo sa telepono? eh napakatagal naman ng inyong pinag uusapan. secret po muna la, bukas makilala mo po siya! eh ikaw bata ka! eh kay bata bata mo pa lumalandi kana agad, hindi naman la masyado lang pong maganda at maapel ponang inyong apo! hahhahaa sabay halakhak na turan ni grasya sa kanyang lola. Ah maapel pala at maganda kurutin kaya kita sa singit. eh joke lang la.