Chapter 12
Simula ng may nangyari sa kanilang dalawa ni Lance parang nagkaroon sila ng chance na gawin nila ang mga bagay na hindi dapat nila ginagawa, dahil sa matinding pagmamahal na nadarama ni grasya kay lance ibinigay nya ang lahat lahat halos wala na siyang itinira para sa kanyang sarili. Gusto niya na si Lance ay mas lalong damhin ang kanyang pagmamahal sa pamamagitan ng pagaalay ng kanyang sarili ng buong puso at pagmamahal. Hindi niya inaalala na siya ay napakabata pa at may kaakibat na malaking responsibilidad ang kanyang mga desisyon.
tinagawan siya ni Lance na pumunta sa kanilang bahay, dahil gusto siya nitong makasama. palagi niyang inaalay ang kanyang sarili, ilang buwan nilang ginagawa ang bagay na iyon.
makalipas ang tatlong buwan ng kanilang relasyon at biglang nagbago ang lahat sa kanyang Buhay, dahil si Lance ay biglang nagpaalam sa kanya na pupunta sa Canada dahil iyong ang nais ng kanyang mga magulang upang doon ito mamalagi at imanage na rin ang business ng kanyang mga magulang doon.
Grasya, maari ba tayong magkausap may mga ilang bagay lang akong ididiscuss saiyo. tawag ni Lance sa telepono. okay lance pupunta Ako diyan kaagad. I love you.. Hindi pa natatapos magsalita si grasya ay bigla nawala na Lang sa kabilang linya ang kanyang kausap.
habang binabaybay Niya patungo sa Bahay ni Lance Ay labis ang kanyang pag aalala, masyado siyang kabado dahil sa tingin Niya nag iba na si Lance, basi sa tono ng pananalita nito Hindi manlang sinagot ang kanyang sinabi na I love you binabaan agad siya ng telepono.
nasa labas na na siya ng Bahay ni Lance pinindot Niya ang door bell ng Bahay ni Lance. at bumukas Naman ito. si aling Rosa Naman ang nagbukas sa kanya. oh! grasya narito kana Pala kanina ka po hinihintay ni Lance andoon siya sa may terrace punta ka nalang doon.
patuloy sa paghakbang si grasya paakyat patungo sa may terrace lumiko siya sa kaliwa dahil na likod noon ang terrace na kung saan andoun si Lance, at yun nga tanaw na ni grasya si Lance na nakatalikod habang nakatanaw sa magandang view ng kanilang terrace. biglang tumakbo si grasya at niyapos Niya ng talikod si Lance at tinakpan Niya ang mga mata nito. dahan dahan namang lumingon paharap si Lance Kay grasya at kinuha Niya ang kamay ni grasya na nakatakio doon. hahalikan sana ni grasya si Lance sa kanyang labi ngunit bigla itong umiwas at sabay ulik talikod sa kanya. labis na nasaktan si grasya sa inakto ni Lance Hindi Niya lang Dito pinahalata. Hindi Naman dati ganyan si Lance kapag ito'y kanyang hinahalikan tinutugon Naman nito. kaya labis ang sakit na kanyang nadarama. Marami siyang katanungan sa kanyang isip.
Lance may problema ba Tayo?, may nagawa ba akong kasalanan Sayo? ano ang nagawa Kong pagkakamali para mabigyan natin ng solusyon sabihin mo lance, bigla nalang tumulo ang luha ni grasya dahil sa labis na sakit ng kanyang nadarama dahil Hindi siya sanay sa ganoong actuation ni Lance sa kanya.
niyakap nya itong muli, lance mahal na mahal kita Hindi ko kanyang mawala ka sa akin kaya kung anuman ang problema natin sana maayos natin ito.habang umiiyak binibigkas Niya ang mga katagang iyong.
bigla namang hinawi ni Lance ang mga kamay ni grasya na nakayakap sa kanyang beywang.
hinaharap siya ni Lance, Alam mo grasya Wala Naman tayong problema, Wala Kang nagawang kasalanan, sadyang may mga bagay lang talaga na Hindi pwedeng ipilit dahil kapag pinilit mo mas lalong lala ang sitwasyon. gaya ngayon pinapunta kita rito upang sabihin Sayo na itigil na natin ang relasyon natin, Kasi masyado ka pang Bata at Ako ay heto pupunta ng Canada upang asikasuhin ang aming family business doon. kung ipipilit pa rin natin ang ating relasyon baka mas lalo lang gugulo ang sitwasyon at sympre Yung Buhay mo, napakabata mo pa Marami ka pang makikilala ng mas higit pa sa akin. saad ni Lance sa kanya.
lance nagmamakaawa Ako Sayo! ok lang na pumunta ka ng Canada upang asikasuhin ang inyong business Basta Tayo parin willing akong maghintay Sayo kahit ilang taon payan! ganyan kita kamahal lance! ibinigay ko Naman Sayo ang lahat Wala na ngang natiria sa akin dahil sa sobrang pagmamahal ko Sayo, Akala ko Ikaw na iyong lalakeng makakasama ko habang Buhay dahil iyon ang ipinaramdam mo! pero bakit ngayon ganyan ang mga pinag sasabi mo, na parang balewala lang Sayo ang ating pinagsamahan, parang Wala iyong halaga saiyo. bakit lance nag sawa kana ba sa akin kaya ganyan ka! na para lang akong Isang damit na kapag nagluma na ayaw muna.dahil Araw Araw mo itong ginamit? Saad ni grasya na labis ang hagul hol habang siya ay nakaluhod sa harap ni Lance.
bigla nalang siyang tinalikuran ni Lance at Hindi na umimik, simula ngayon Wala na Tayo, at maari ka nang umalis! pero dahil sa poot at sakit na naramdaman ni grasya Kay lance hinabol Niya ito at sabay sampal Kay lance sa kanyang Mukha, isa sa kanan iyan ay para sa pagbabalewala mo sa ating pinagsamahan at parang Wala lang Sayo at isa sa kaliwa para sa pagbigay ko nag sarili Sayo ng walang pag aalinlangnlan dahil naniwala Ako Sayo. sana'y Masaya ka sayong ginawa sa akin. sabay takbo ni grasya palabas ng Bahay ni Lance.
takbo ng takbo si grasya sa labas at umiiyak na parang Wala ng saysay ang kanyang Buhay sa labis na sakit na kanyang nadarama at dinurog ito ng pinong pino.hindi nya matanggap na ang lalakeng inaakala niyang maging katuwang Niya habang Buhay ay siya rin ang mag binigay ng sakit na kanyang nadarama na parang Hindi na kaya pa nyang bumangon ulit. ni Hindi manlang siyang hinabol dahil bago siyang tuluyang umalis doon liningon nya muna ang bahay ni Lance nagbabakasakali na siya ay habulin o kaya'y bawiin ang mga sinabi ni Lance sa kanya ngunit hindi ito nangyari, nasa isip nya na hindi nga siya mahal ni lance.
iyak nang iyak si grasya Hanggang sa makarating na siya sa sakayan ng tricycle nakalabas na Kasi siya sa subdivision na tinitirhan ni Lance.
sinisigurado ko sa aking sa sarili na kung mag kikita Mang kaming muli hinding hindi nya talaga mapapatawad si Lance kahit lumuluhod pa ito ng ilang beses sa kanya. Hindi mapapantayan ang sakit na dinulot Niya sa akin. sinayang Niya ang pagmamahal na inalay ko sa kanya.
ngayong Wala na sila grasya at lance, ano na kaya ang magiging Buhay ni grasya magbunga kaya ang kanilang mga pinagsaluhan?at kung mag bunga man ay kaya nya kaya itong panindigan?