Chapter 10
umuwi silang dalawa ni lance na labis ang kasiyahan ng kanilang mga puso abot langit ang kanilang nadarama halos ayaw na nilang maghiwalay ng gabing iyon.
inihatid na si grasya ni lance sa kanilang bahay lulan ng sasakyan ni lance, habang sila ay nasasaktan binabaybay nila ang daanan patungo sa bahay ni grasya palagi hawak ni lance ang kanyang kamay at ito'y pinipisil pisil, at hinahagkan hagkan rin an kamay ni grasya.
Lance alam mo napakasaya ko ngayon dahil lubos na ngang kasintahan kita, para sa akin ikaw na ang una't huli kong mamahalin kasi ngayon lang ako nakadarama ng ganito.Sana lance huwag mo sana sasaktan ang aking puso na tunay na nagmamahal sayo.Ngayon lang ito tumibok ng ganita.saad ni Grasya
Alam ni grasya na hindi maganda sa isang babae na maging una sa pagpapakita ng tunay na saloobin sa isang lalake baka magkaroon ng hindi magandang impact ito sa kanilang pagsasama ngunit hindi na ito ina alintana pa niya dahil nais niya ay ang malaman ni lance na siya lang talaga ang tinitibok ng kanyang kahit napakabata pa niya.
tugon naman ni lance sa kanya ay pagbibigay ng pag asa at tunay ring hangarin kung bakit niya ito nais na maginh girlfrien.
grasya simula sa araw na ito ay ikaw na ang nilalaman ng aking puso at dahil sa sinabi mo tunay ang aking nadarama para sayo kahit anuman man ang dagok na mangyayari sa atin ikaw lang din ang aking mamahalin at kahit ikaw napakabata pa anuman ang mangyari sa ating relasyon ay pananagutan ko.
inihinto muna ni lance ang sasakyan sa daan at niyakap niya si grasya ng nakaphigpit at hinagkan sa kanyang noo.
muling nagpatuloy sa pagdrive si lance at nakarating na sila sa bahay ni grasya. inihatid niya ito sa loob ng bahay upang ipaalam na rin sa mga lolo't lola ni grasya na girlfriend niya na ito at makakaasa sila na hindi niya ito sasaktan.
la, sigaw ni grasya pagkarating nila parang natutulog na ang dalawang matanda kasi halos napakalalim na ng gabi. maya maya lang ay lumabas na lola bebang at pinagbuksan sila ng pintuan.
oh iha bakit ginabi kayo ni lance, lance saan mo ba dinala si grasya, saad ni lola bebang kay lance. nagmano muna si lance bago tinugon ang mga tanong ni lola bebang
pasensya na po lola kun masyado kaming ginabi ni grasya medyo napadami lang kami ng napagkwentuhan.at narito rin po ako upang ipaalam saiyo ng pormal na girlfriend ko na po si grasya.huwag po kayong mag alala la, alam ko namang bata pa si grasya at alam ko rin po ang limitasyon namin at nirerespeto ko po siya bilang girlfriend po.
ikinagagalak ko ang pagiging formal mo iho,ngunit hindi mo maiiwasan na ako ay mag alala sa kanya sapagkat siya marami ng pinagdaanan sa kanyang buhay lalo na kanyang mga magulang. Sana iyang mga sinasabi mo ay iyong magampanan at kaya mong patunayan sa amin ng lolo niya. kasi sobrang mahal na mahal siya.
makakaasa ka po la.iingatan ko po siya katulad ng pag iingat nyo sa kanya at mahal ko din siya.
labis ang sayang nadarama ni grasya dahil ito ay naipaalam ni lance sa kanyang lolo't lola ang tungkol sa kanilang dalawa at open na silang dalawa sa kanila.