Ang Prinsepe

1158 Words
"AMA!" Napabalikwas ako ng bangon sa kama. Mabigat ang paghinga ko. Namamawis ang buong katawan. Napahawak ako sa dibdib. Ang lakas ng t***k ng aking puso. Napapikit ako ng mariin na siyang ikinatulo ng aking luha. 'Relax Vitha! Panaginip lang iyon.' 'Panaginip lang.' 'Kalma ka lang.' Nanginginig ang lahat sa akin. Natatakot ako sa panaginip na iyon. Isang panaginip na tungkol sa aking Ama. Ngayon lamang ako nanaginip ng tungol sa kanya. Humikbi ako pero kaagad din na natigilan. Nag-angat ang ulo ko nang makarinig ng mga kalabog. Napalunok ako bago hawiin ang kumot na tumatabon sa kalahating katawan. Maingat akong bumaba sa kama at lumabas ng kwarto. Wala pa si Ama! Nasaan na siya? Gabing gabi na. Bumaba ako sa pangalawang palapag ng bahay. Daretso ang lakad sa bintanang gumagawa ng ingay. Sunod-sunod na nagsipatakan ang mga ulan sa mukha ko na galing sa labas na papasok sa bintana. Umuulan pala... hindi mali! parang may bagyo sa lakas ng ulan at kulog. Isinara ko ang bintana bago napabuntong-hininga. Kanina pa ako kinakabahan. Nasaan ka na ba kasi Ama? Akmang babalik na ako sa kwarto nang may marinig. Binundol ako ng kaba. Palinga-linga ako kahit na wala akong nakikita. Ama? Napapikit ako ng mariin bago pakinggan ang mga tunog na inililikha ng kapaligiran. Hindi ko masyadong marinig dahil sa malakas ang ulan, kidlat, at sinamahan pa ng malakas na hangin pero sigurado ako, narinig ko ang boses ni Ama na isinisigaw ang pangalan ko. Malakas ang pandinig ko kung kaya kahit malayo ay maririnig ko. Ang madilim na nakikita ko sa isang balintataw ay unti-unting nagkaroon ng mga larawan. Mga lalaki, apat sila hindi, anim pala! Dahil mayroon pa sa harapan. Pare-parehas ang mga suot nila, kulay pula. Uniforme? Hindi ko alam! Bukod kay Ama ay wala na akong alam sa mundo dahil nakakulong ako sa mansyon na ito. kanina malabo ang nakikita ko, pero parang naglalakbay ang kaluluwa ko at unti-unting lumilinaw sa paglapit ng katawang kaluluwa ko. Napadilat ang mga mata ko sa nanlalaking bukas nito. Nanginig ang buong katawan ko. H-hindi! Mabilis akong tumakbo palabas ng bahay. Kahit na pinagbabawalan ako ni Ama na lumabas ay wala akong pakialam. Kahit nakayapak at puro sugat ang mga paa ko ay walang akong pakialam! Kahit basang-basa na ako ng ulan at nabibingi sa malakas na kulog ay nagpatuloy pa rin ako. Kahit na puro sugat ako sa pagdaplis ng mga puno't mataas na d**o dahil nasa parte ako ng kagubatan ay wala akong pakialam. Si Ama, kailangan niya ako! Kumawala angluha sa mga mata ko. Natatakot ako! Si Ama! Napapalibutan ng anim na lalaki. Nakaluhod siya sa gitna ng mga ito. Puno ng mga galos at dugo. Napakuyom ako ng mga kamay. Napakagat ako sa labi ng siyang ikinatulo ng dugo nito pababa sa baba't leeg ko. Mga walanghiya sila! Saktan na nila ako pero h'wag ang Ama ko! Siya na lamang ang nag-iisang nagmamahal sa akin at hindi ako papayag na mawala siya sa'kin. Sa bawat sandaling papalapit ako sa kinalalagyan nila, siya ring palakas ng palakas ang mga boses na nagtatawanan at mga daing ni Ama. Magbabayad sila! "P-pakiusap wala sa akin ang hinahanap niyo! Umalis na kayo." Dinig kong pagmamakaawa ni Ama. "Aba't matindi ka ah?!" Hindi! Napasinghap ako ng tadyakan nito si Ama. Umubo siya ng dugo habang ang anim na lalaki ay nagtatawanan. Kumibot ang aking labi. Ama, parating na ako. ka-unting tiis na lamang. Sa muling pagtapak ng isang paa ng lalaki sa dibdib ni Ama ang siya ring ikinatigil at ikinasigaw ko. "AMA!" Napatingin sila sa akin na may gulat sa mukha. Napasulyap si Ama sa akin, umiiling ito bago dumaing dahil sa pagdiin sa paa ng lalaking nakatapak sa dibdib nito. "Sabi mo wala kang anak na babae? Sinungaling!" Tinadyakan niya ulit ang tagiliran ni Ama. "Tigilan mo 'yan!" "Kung gano'n ay sumama ka sa'min ng hindi masaktan ang Ama mo!" Bakit? Anong kailangan nila sa'kin? "H-h'wag s-seventeen pa lang siya! W-wala pang sapat na gulang!" "Tumahimik ka!" Napadaing si Ama ng sipain siya ng isang lalaki. Umusbong ang galit sa pagkatao ko. Napakuyom ako ng mga kamay. Nagsimulang uminit ang bawat sulok ng aking mata. Lumalabas na naman siya! Magbabayad sila! "VITHA! ITIGIL MO 'YAN!" Nagising ang pagkatao ko sa pagsigaw ni Ama. Napatulala ako ngunit hindi dahil sa pagsigaw niya kundi dahil sa mga larawang unti-unting namuo. Napatulala ako sa bagay na ngayon lamang nangyare. P-paano ito nangyare? N-nakakakita ako ng hindi nagiging pula ang mga mata ko. Nakakakita lamang ako kapag ang mga mata ko ay naging kulay pula. Hindi makapaniwalang napahawak ako sa mga mata ko. Nanginginig na hinamplos ko ito. Napatingin ako kay Ama na nahihirapan. Napatulo ang mga luha ko at napangiti. Si Ama... n-nakikita ko si Ama nang hindi siya naglalaho. Ito ang unang pagkakataon na nakita ko siya. Akmang hahakbang ako ng pigilan niya ako. "Vitha! Tumakas ka na!" Ayoko! Umiling ako kay Ama. "H-hindi po Ama! Ayoko po!" "Kapag dumating na ang prinsepe hindi ka na makakatakas kaya hanggang sa maari tumakas ka na. Ahh!" Napaigik siya ng sipain ulit siya ng isang lalaki. "Masyado kang madaldal!" Sigaw ng isang lalaki. Prinsepe? Ano iyon? Sino siya? Napatingin ako sa kaliwa nang may huminto na kabayo. May sakay itong tao. Hindi ko ma-anigan dahil nakabalot ang buong katawan niya ng kapote. Bahagyang nakayuko kaya natatabunan ang mukha ng hoodie na malaki. Nagsiyuko ang mga lalaking nakapula sa taong nakasakay sa kabayo. "Mahal na prinsepe." Prinsepe? Siya ba ang prinsepe? Pangalan ba iyon? Hindi ko alam! Wala akong kaalam-alam sa mundo. May sinasabi ang mga lalaki sa nagngangalang prinsepe. Akmang magtataas ng paningin ang prinsepe sa akin ngunit hindi natuloy. Itinulak ni Ama ang kabayo dahilan para magwala ang kabayo at mahulog ang prinsepe doon. Naestatwa ako sa nangyare hanggang sa pinagtulungang bugbugin ng anim na lalaki si Ama. Hindi ako nakagalaw. Tila namanhid na ako. Nakagalaw lang ako sa kinatatayuan nang sumigaw si Ama. "TAKBO! VITHA!" Hindi ko alam kung ano ang sunod na nangyare. Basta ang namalayan ko na lang ay ang patakbo ko ng mabilis. Si Ama! Ayoko siyang iwan pero bakit gano'n? Ang mga paa ko ay kusang tumatakbo palayo. Gustuhin ko man makabalik pero hindi ko magawa. Para bang may sariling buhay ang mga paa ko na tumakbo ng tumakbo. Hindi ko napaghandaan ang sumunod na nangyare. Gumulong na lang ako paibaba. Hindi ko namalayan na may maliit na bangin pala doon. Daretsong gumulong ang katawan ko hanggang sa tumama sa isang malaking puno. Napadaing ako sa sobrang sakit. Nanlalabo ang paningin ko sa dugong dumadaloy mula sa ulo ko papunta sa mga mata ko. H-hindi ito pwede! Pinilit kong imulat ang mga mata pero kusang nagsasara ito at nanlalabo na ang paningin ko. Sa huling naanigan ko, may isang taong huminto sa aking harapan. Nakasuot ito ng mga bota. Tuluyan akong nawala sa ulirat ng hindi ko na makaya. 'P-patawarin mo ako, Ama.' Piping ani ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD