Ang kakaibang Kilos ni Khiros

646 Words

Sa ilang oras niyang nakakulong sa kwartong ibinigay sa kanya- hindi niya namalayan na gabi na pala. Tinawag lang siya ni Bright para kumain na. Noong una ay hindi siya nag-aalangan kahit na sabay sabay silang kumain nina Bright at Khiros. Pero ng sabihin ni Bright na may kakaiba sa kuya Khiros nito bigla siyang namutla. Panay daw ang titig ni Khiros sa kanya. Hindi siya mapakali. Namamawis at bigla siyang nailang. Ni hindi niya magawang malunok ang kinakain. Bakit niya ako tinititigan? May problema ba? May dumi ba ako sa mukha? o baka dahil sa nangyare kanina? Bakit hindi ito nagsasalita? Tumikhim siya bago magsalita. Hindi na niya kaya ang kakaibang kilos ni Khiros. Hindi na niya kaya ang pagiging wierdo nito! "K-khiros.... m-may problema ka ba sa'kin?" Wala siyang nakuha na sagot

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD