Patrick's POV Habang nasa opisina ako ay nakatanggap ako ng tawag galing kay Zion, mabilis kong sinagot ito dahil alam kong tungkol ito kay Aubrey dahil hindi naman nya ako tatawagan para kamustahin lamang. Nagulat ako ng sinabi nya na nakikipag-usap na si Aubrey at hindi na ito tulala kaya agad kong tinawagan ang doktor ng aming pamilya upang malaman nya ang nangyari. Pagkarating namin sa mansion ni Zion ay saka ko pa lang nalaman na bumalik pala ito sa dati na animo ay batang-isip pero sabi ni Zion bago kami umalis ng doktor ay napansin nya na kung minsan ay parang matino itong magsalita na tila ba may naaalala tapos biglang magbabago at babalik sa pagiging isip bata. Hindi kaya malapit na siyang gumaling? Ang sabi ng doktor ay kailangan lamang ma-trigger ang kaniyang nakaraan. Tama ka

