EPISODE 23

866 Words

APRIL POV. "Lumabas ka sa pamamahay ko Jessica! Bago ko makalimutang buntis ka." "Ayoko nga! Si Juctril ang pinunta ko dito kaya 'wag kang assuming." Maarte nitong sabi at inirapan ako. Nakaupo siya ngayon sa may couch habang nanonood ng TV. Feel na feel niya talaga ang moment. Ang kapal talaga ng mukha. "Maam April sino po ba ang babaeng yan? Bakit ang maldita. Dito na ba yan titira?" Bulong sa akin ni Amor ng lapitan niya ako. Napabuntong hininga ako at tumalikod. Tinignan ko si Amor. "Puntahan mo ako sa kwarto namin kapag dumating na ang asawa ko. Hindi ko masikmurang makasama ang higad na yan." Sabay tingin kay Jessica. Tumango si Amor. "Opo maam." Naglakad ako palayo sa sala ng biglang magsalita si Jessica. "Hey! Where are you going?" Maarte nitong sabi. Tinignan ko siya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD