APRIL POV. "Mama, bakit po ang tahimik ni Zack at ayaw niya po makipaglaro sa akin?"nakakunot ang noo na tanong ng anak kong si Ethan. Matapos makulong ni Jessica ay napag usapan na namin ni Juctril na iuwi dito sa Manila si Ethan. Buti nalang at ayos lang si Ethan at wala namang nangyaring masama sa kanya noong kinuha siya ni Jessica sa amin. Nasa bahay na din namin si Zack. Pero tahimik lang ito at lagi nalang umiiyak gabi-gabi. Siguro na trauma siya sa ginawa ng kanyang sariling ina. That b***h. Napatingin ako kay Zack na nasa sala habang nakatulala. Hinarap ko si Ethan at hinaplos ang pisngi nito. "Kakausapin ko lang si Zack, Ethan, ha? Punta ka muna do'n kay lola Bebeng mo sa may kusina, okay?" Tumango ang anak ko at pumunta na ng kusina. Naglakad ako papalapit kay Zack at umu

