THIRD PERSON POV "Get out of my office now!" Nagmamadali sa takot na umalis ang empleyado sa loob ng office ni Juctril. Napahawak si Juctril sa kanyang noo. Kanina pa siya inis na inis, hindi parin kasi siya tinitigilan ng baliw na si Jessica. Palagi parin siya nitong ginugulo, kagaya ng nangyari kanina. "Hey, kuya!" Nakita ni Juctril ang kapatid niyang si James. Lumapit ito at umupo sa may upuan. "Bakit parang bad mood ka ata." Hindi umimik si Juctril. Bumuntong hininga si James. "Si Jessica nanaman?" "Ginagalit niya ako," malamig na sabi ni Juctril. Napailing si James. "Ano nanamang ginawa ng baliw na yun? Pinipilit niya parin ba sayo na ikaw ang ama ni Zack?" Napapikit sa inis si Juctril. Gusto niyang sakalin si Jessica pero hindi niya magawa. Palagi nalang sinasabi ni J

