April 18 , 2019 APRIL POV. "Mahal parin kita April, please be mine again." Napabangon ako sa pagkakahiga ko ng muli ko maalala ang sinabi ni Juctril sa akin nung nakaraang araw. "Mama, ba't di ka pa tulog?" inaantok na tanong sa akin ng aking anak. Hinimas ko ang buhok niya at hinalikan sa noo. "Shh. Tulog kana. May iniisip lang si mama," tumango naman si Ethan at muling bumalik sa pagtulog. Muli kong naalala ang pag uusap namin ni Juctril. THROWBACK "Mahal parin kita April, please be mine again,"mahina nitong sabi at niyakap ako ng mahigpit. Natulala ako sa sinabi niya. Naamoy ko ang amoy ng alak kay Juctril. Lasing siya. Bahagya akong lumayo sa kanya. "Ano ba Juctril ba't ka ba naglalasing," inis kong sabi. Yumuko siya at hindi ako sinagot. "Nag away ba kayo ni Jessica? U

