EPISODE 15

994 Words

“April, pasok ka. Nasa may garden sa likod si Josie nakaupo sa may swing." Sabi ni Jp habang nakangiti.   Tumango ako at pumunta sa may likod ng bahay nila kung nasaan si Josie ngayon.   Matapos kong ma discharged sa hospital ay nagpasama agad ako kay Raven papunta dito sa bahay ng kambal ko. Gusto ko siyang makita at makamusta. Nag aalala na din kasi ako sa kanya. Ayokong mawala ang anak niya katulad ko. Hanggang ngayon ay masakit parin para sa akin na mawalan ng anak pero pinipilit ko paring maging matatag. Wala namang maitutulong ang pag mumokmok ko sa aking sarili. Kailangan kong bumangon at lumaban.   Nakita ko si Josie na nakaupo sa may swing habang nakatanaw sa kawalan.   Hindi ko mapigilang mapaiyak. Miss na miss ko na siya.   Kitang kita na din ang umbok ng tyan niya.  

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD