Chapter 3

716 Words
BACHELOR’S PARTY ang kailangan puntahan ni Angel. Kinabukasan pagkatapos niya magdesisyong tanggapin ang trabahong ‘yon, nakausap niya sa cellphone ang organizer. Hindi sinabi sa kaniya ang pangalan ng kliyente kasi sobrang powerful at mega rich daw ang groom at para sa privacy nito at ng mga bisita, hindi pwedeng sabihin ang pangalan ng mga ito. At the same time, hindi rin niya sinabi ang tunay niyang pangalan at mukhang hindi naman interesado ang organizer na alamin ‘yon.                Sa Presidential Suite ng Empire hotel gaganapin ang party. Ang katabing Suite ‘non ang magsisilbing dressing room. Doon din first time na makakaharap ni Angel ang organizer ng party na siyang kumontak kay Grace. Mahigpit na bilin sa kaniya na magpunta sa hotel kapag isang oras na ang lumipas mula nang magsimula ang party. Para walang siyang makasalubong na bisita. Kaya ‘yon ang ginawa niya.                Kinabahan siya pagkahinto ng taxi na sinakyan niya sa tapat ng maluwag na entrada ng hotel. Humigpit ang hawak niya sa strap ng shoulder bag niya. Huminga siya ng malalim saka pumasok sa loob. Malayo pa lang siya napansin na niyang naging alerto na ang dalawang babae sa reception area at nakatitig na sa kaniya. Medyo napangiwi siya at nagkunwaring hindi napansin ang mga ito. Iniwas niya ang mukha at binilisan ang paglalakad papunta sa direksiyon ng elevator. Kasi ang bilin sa kaniya ng organizer huwag na dumaan sa reception area at dumeretso na lang sa hotel suite tutal alam naman na niya ang room number.                “Excuse me, Miss! Where are you going?” biglang sabi ng isa sa mga receptionist.                Napahinto sa paglalakad si Angel pero hindi humarap. Tumikhim siya. “To our room, of course. My friends are already there.” Mabuti na lang nag-call center siya noong huling beses na nagtrabaho siya para mag-ipon ng pang enroll. Kaya niya magsalita ng English na may accent. Tunog mayaman naman siguro siya ‘no?                Hindi sumagot ang receptionist. May feeling siya na nagkatinginan ang dalawa. Itinaas niya ang noo pero hindi pa rin humarap sa mga ito. Nagsimula na siyang maglakad ulit.                “What is your room number Miss?” tanong na naman sa kaniya.                Napabuntong hininga si Angel. Mas lalong hindi kasi niya ‘yon pwede sabihin. Malalaman agad kung ano ang pakay niya roon. Hindi nga yata talaga siya papasang mayaman na afford mag check in sa hotel na ‘yon. Sabagay, mumurahing maong skinny jeans at white blouse lang kasi ang suot niya. Naka-sneakers pa siya.                “Miss? Kapag hindi ka pa nagsalita at lumapit dito, magpapatawag na kami ng security.”                Nanlamig siya. Diyos ko naman. Lumunok si Angel at sasabihin na sana ang room number na binigay ng organizer nang may marinig siyang papalapit na yabag. May bagong dating. Narinig niyang suminghap ang mga receptionist.                “Sir, good evening.”                “What is this commotion about?”                Napaderetso ng tayo si Angel. Parang may init na humagod sa likod niya nang marinig ang boses na ‘yon ng isang lalaki. Narinig niya ang mahina at kabadong pagpapaliwanag ng receptionist. Medyo lumingon siya kasi naku-curious siya kung sino ang dumating. Nakasuot ng business suit ang lalaki. Athletic ang pangangatawan at mukhang matangkad kasi hanggang dibdib lang nito ang nakikita niya. Hindi siya makatingala. Kapag kasi ginawa niya ‘yon malinaw na makikita ng mga ito ang mukha niya. Mabuti na lang may bangs siya at inilugay niya ang buhok niya ngayon. Nanlaki ang mga mata ni Angel nang pumihit paharap sa kaniya ang lalaki. Malakas ang feeling niya na pinapasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. “Sir? What should we do?” tanong ng receptionist. “What floor?” Siya yata ang kausap ng lalaki. Tumikhim siya at alanganing sinabi kung saang floor siya pupunta. Nakita niya na parang na-tense ito. Matagal na natahimik bago sa wakas tumalikod na parang nawalan ng interes sa kaniya. “Just let her in,” sabi ng lalaki at naglakad palayo, papunta sa kabilang direksiyon. Kumunot ang noo ni Angel. Did she just hear disgust in his voice? Tumunog ang elevator at bumukas ang pinto ‘non. Napatakbo siya hanggang makasakay siya roon. Nawala na sa isip ang estranghero. Bumalik na naman sa nakatakda niyang gawin ngayong gabi. Tonight, Angel is a seductress.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD