Chapter 15

1424 Words

KINABUKASAN bigla na lang sinabi ni Jack na lalabas sila. Wala raw pagkain sa bahay nito kaya sa kung saang restaurant na lang daw sila kumain. Medyo na-disorient si Angel kasi innexpect niya na pagkatapos niyang magbihis sasabihin na nito kung ano ang kapalit ng pagtulong nito sa kaniya. Nang buksan niya ang topic na ‘yon ang sagot lang nito ay, “Later.” Kaya wala siyang nagawa kung hindi sumakay na lang sa kotse nito. Dinala siya ng lalaki sa isang mamahaling restaurant. Nailang si Angel kasi nakasuot lang siya ng skinny jeans at puting blouse kompara sa semi-formal outfit ni Jack at ng iba pang mga customer sa loob ng resto. Lalo siyang naging uncomfortable nang pagpasok nila napunta lahat ang tingin ng mga tao sa kanila – kay Jack, actually. Napako tuloy siya sa kinatatayuan niya sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD