“Cles!” Napatingin ako sa tumawag sa pangalan ko. It’s Clem. Dagli kong pinunasan ang mga luha na bumasa sa pisngi ko. “Anong nangyari? Bakit lukot iyang uniform mo at namamaga ang mga mata mo? Bakit galing ka sa Torture Room?!” sunud-sunod na tanong nito. “Yeah. I miss you, too,” natatawa kong sagot sa mga tanong niya. Para akong timang. Lumuluha pero masayang nakangiti. “Bakit narito ka? Baka makita ka ng kambal. Galit pa rin ang mga iyon. Pinagbawalan nga nila akong lapitan ka. Maging si Janus ay sinabihan ni Master na iwasan ka.” Hinila niya ako patungo sa elevator. Pupunta ata kami sa kuwarto niya para makapag-usap nang matino. “Oo. Alam kong galit sila. Galit na galit.” Napangiti ako nang matamis. “Hija, nakulam ka ba? Galit ‘yung kambal sa’yo pero parang masaya ka pa.” Hinila n

