Ilang saglit akong nakiramdam. Alam kong naipasok na ang box sa Torture Room. At ayan na nga ang tugtog. Langya, Clem! Apologize talaga ng One Republic?! Remix pa! No choice kaya binuksan ko na ang box at sinimulang umindak. Malamlam na liwanag ang sumalubong sa akin. It’s showtime! Itinaas ko ang magkakrus kong mga braso at gumiling pababa at pataas na puno ng pang-aakit. Palihim kong iginala ang tingin ko. Titig na titig sa akin ang mga kalalakihan puwera kina Marcus at Janus. Kung ‘di ko lang kailangang mang-akit habang nagsasayaw ay matatawa ako nang malakas. Paano nilagyan pala ni Marcus ng blindfold si Janus habang binubulungan. Siguradong puro panlalait tungkol sa pagsasayaw ko ang ibinubulong niya. Sige kembot. Kembot lang nang kembot habang itinataas ko ang aking buhok nang dah

