Chapter Nine

1282 Words

“MIYAKA… Para sa iyo, ano ang kaibigan?” Nagtaka si Miyaka sa tanong na iyon ni Franco. Mula sa kung saan ay naitanong nito iyon sa kanya. Parehas silang nakaupo sa sahig at nakikiramdam sa kapaligiran. Halos isan oras na ang lumipas simula nang subukan nilang tumakas mula sa bintana ay wala pa namang nangyayaring masama sa kanila. Alam niya na sa oras na iyon ay dalawa na lang sila ni Franco na natitira sa kanilang magkakaibigan. “Kaibigan… Isang tao na mapagkakatiwalaan mo,” sagot niya. Hindi na umimik pa si Franco matapos iyon. Takot na takot si Miyaka ng mga oras na iyon. Alam niya na anumang oras ay maaaring pumasok sina Gilda sa silid na iyon at patayin sila. Sa totoo lang, hindi pa siya handang mamatay. Marami pa siyang gustong gawin sa buhay, masyado pa siyang bata. Nagkatingi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD