MATAPOS ang halos limang oras na pagda-drive at isang oras na pagsakay sa bangka ay narating na rin nina Tanya at Joshua ang islang pupuntahan nila. Mataas na ang sikat ng araw nang marating nila ang lugar. Pagtapak pa lang ng paa ni Tanya sa buhangin ay napanganga na siya sa ganda ng islang iyon. Maliit lamang ngunit puno ng matataas na puno ng niyog ang dalampasigan. Hindi nga lang ganoon kalinis dahil sa mga tuyong dahon sa paligid ngunit naiintindihan naman niya iyon. Alam niyang walang nagmamay-ari ng isla kaya walang nag-aalaga dito. Hindi ganoon kaputi ang buhangin ngunit pino naman. “Ang ganda!” bulalas niya sabay tingin kay Joshua na masayang nakangiti. “Tama ka. Napakaganda!” anito. “Ah, kailan ko po ba kayo babalikan dito?” tanong ng matandang bangkero sa kanila. “Sa makala

