Kabanata 1: V.A.F

1676 Words
"Victor August Francisco..." yan ang ipinangalan sa'kin ni mama. Sabi niya, yung first name ko ay tunog victory kaya raw yun ang pinili niya para sa'kin. Dahil naniniwala siya na kahit ano pang hirap ng buhay, mananalo't mananalo parin tayo laban sa mga hamon nito. Yung pangalawa, yun ang birth month ko... Agosto, buwan ng wika. Si Dash naman ay medyo nagselos nang malaman niyang ganoon ang meaning ng pangalan ko. Si Dash kasi yung blessing in disguise. Hindi siya plinano at inasahan ngunit dumating. Na siyang ikinatuwa namin. "Ako, sabi ni papa mabilis daw akong natututo sa mga bagay-bagay kaya Dash..." "Ayaw mo nun? Fast learner ka!" saad ko naman sabay pakita ng bilib na bilib kong itsura. Tumingin siya ng bahagya saakin, kuminang ang mga mata niyang parang mga bituin sa langit. "Lab yu kuya!!!" sabay halik saakin. Bata pa lang siya malapit na siya saakin kumpara kila mama. Minsan nga'y nagtatampo si mama, kasi kahit nga gusto niyang dumede ng gatas ay ako pa rin ang nag papa-dede sa kanya through milk bottle. Simula noon, patungkol sa paghahanda ng mga gamit at kaylangan niya, pagtatanggol sa mga nanunukso sa kanya, at sa pagtulong sa kanyang mga bagay-bagay na nais gawin ngunit hindi niya kaya ng mag-isa. Ako na madalas. Kaya naman sanggang dikit kami. Mayroon pa nga yung mga oras na napagkakamalan kaming mag-ama. Bagama't malayo-layo pa naman ang aking planong magka-anak at pamilya. Matangkad kami at maputi na namana namin kay mama at papa na parehong may lahing banyaga . 18 na ako at 5 taong gulang na siya. Grade 1 na si Dash at ako naman 2nd year college. Sa public lang naman kami nag-aaral kasi simple lang ang buhay namin at nakakaraos sa pang araw-araw na gastusin. "Nak! Paki-bantayan mo nga ang kapatid mo. Meron kasing bertday dyan kila aling Melba. Inimbita ako magluto..." tawag saakin ni mama nang makalabas siya ng kwarto at medyo naka-pustura pa. "Sige po ma, wala naman po akong gagawin ngayong araw..." wika ko sabay tatayo na't pupunta sa kwarto. "Sayang naman yung maibibigay niyang pagkain saakin. Ulam na natin iyon mamayang hapon." pahabol niya pa tsaka lumabas ng bahay. Si papa naman ay kanina pa pumasok sa trabaho niya bilang isang electrician sa isang electric utility. Tulog pa si bunso nang makarating ako sa kwarto. Kanina pa kasi umiiyak ito dahil masakit raw ang tiyan. Pinitik-pitik ko ang tiyan niya at mukhang puno ito ng hangin. Malamang ito ang dahilan ng kanyang pag-iyak. Kinakabag siya. Kumuha ako sa kabinet ng mansanilya oil at pinahiran ang tiyan niya at hinilot ng banayad. Nang sa ganoon ay ma-ilabas niya ang hanging sanhi ng pagsakit ng kanyang tiyan. Bale nasa probinsya kami ng La Rosario. Ito kasi ang hometown nila mama. Maganda rito, maraming mga karagatan, ilog, talon, sapa, kabundukan, kapatagan, atbp. Malamig din ang simoy ng hangin, presko, at nakaka-relax. Tuloy lang ako sa pagbabantay sa kapatid ko. Ilang sandali lang ay nakaramdam ako ng pagkabagot. Kaya naman pumunta ako sa kwarto ko at kinuha ang cellphone ko. Binuksan ko ang Vinstagram, nag-scroll lang ako at dumako sa reels. Naaaliw ako sa panood nito kaya naman tuloy lang ako sa ginagawa ko hanggang sa, isang video ng lalaking nagwawala at parang lasing ito--sa isang sikat at eksklusibong restaurant dito sa probinsya. Galit na galit ito hanggang sa makita niyang kinukuhan siya ng video. "Hey! Wh*t the f*ck do you think your doing???" galit na sigaw nito sabay lapit sa lalaking kumukuha ng video at nahulog ng camera at wala ng nakikita pa kundi itim nalang at sigaw ng mga tao ang maririnig... Malabong bahagya ang video kaya di ko makita ng maayos ang mukha nito, pixelatedang video. Parang yung nakikita ko kapag sa malayo ako nakatingin. Wala rin kasi akong salamin sa mata, gawa ng may kamahalan ito. Bale malabo ang mata ko pag malayo ang tingin ko, malinaw naman kapag malapit. Ang dami na talagang kumakalat ngayon sa social media... Halos puro kagag*han ang nababasa at nakikita ko. Nakakadismaya. Naglaro nalang ako ng paborito kong laro ng Planettoon, ang MOBILE LEGIONS. Bachelor of Secondary Education ang kinukuha ko. Science major. Mahilig ako sa science at mahilig rin ako magturo ng mga bagay-bagay sa mga tao. Lalo na kay Dash. •••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••• Linggo pala ngayong araw, bukas pasukan na. Sa VIS kami nag-aaral. Valorous Intergrated School. Ito ang pinakamalaking public school sa buong bayan ng Riverside. Public ito pero halos kalahati ng mag-aaral dito ay mayayaman at galing sa kilalang pamilya. Ito lang kasi sa malaking bayan ng Riverside ang may nago-offer ng maganda at kalidad na edukasyon. Kaya naman nakakuha pa ito ng Asian at Universal award sa pagiging universal, competitive, effective, and efficient nito pagdating sa education, curriculum, values, atbp. Kaya naman pag nag-aaral ka rito ay daig mo pa ang nag-aral sa mga private at prestigious schools from local and international. Dahil pag dito ka sa VIS, sikat ka. Kaibahan saakin, low profile lang ako dahil ayokong pinag-uusapan ako ng mga tao. Mas tahimik at payapa ako pagkaganoon ang lagay ko. "Kuya ko..." nagising ako mula sa pag-iisip nang marinig ko ang boses niyang tinatawag ako. "Gising na pala ang Dasheng ko..." wika ko sabay buhat sa kanya na kinukusot pa ang mga matang galing sa pagtulog. Naka-dantay ang ulo niya saaking leeg paharap sa likod ko habang ang mga kamay naman niya ay nakakapit na parang dalawang sawa sa isang sanga (leeg ko). Lumabas ako buhat-buhat si Dasheng na nakasando lamang at brief. Sakto dahil mainit ngayon ang panahon. Tumigil ako sa maliit na hardin ng bahay at umupo sa maliit na swing habang buhat si Dasheng na kasalukuyang natutulog ulit. Malamang kulang pa ang tulog nito kaya inantok pa. Gigisingin ko sana kaso baka ito'y magwala mamayang gabi't kami naman ang mapuyat. "Magandang tanghali Victor... ” sambit ng taong dumaan dito sa gilid ng bahay-bakod namin."Oh Maji, ikaw pala. Magandang tanghali rin..." tugon ko naman pabalik sabay ngiti."Mauna na ako... ” paalam niya. Kumaway nalang ako saglit. Yun si Maji, maganda, sexy, at mabait. Siyaang binansagang Diyosang morena ng La Rosa. Palaging laman ng social media dahil nga modelo at mayaman pa. Pero ewan ko ba, parang lahat ng tao maliban SAAKIN ay nagkakagusto sa kanya. Pati nga mga tibo ulol sa kanya, mga babaeng straight ay nababaluktot, pati mga paminta ay ganoon din, nade-diretso. Pero ako, wala talaga. Kaibigan lang ang tingin ko sa kanya. Pero hindi kami bestfriends. Kababata at kaibigan lang... Pag kami ang magkasama sa labas, madalas kaming sinasabihan at napagkakamalang mag-jowa. Tumayo na ako at inilabas ko si bunso sa may malapit na plaza sa amin; "I Love La Rosa" basa ko sa harap ko nang marating namin ang main La Rosa park na mararating mula saamin gang sa kabilang dalawang kanto."Kuya I want that!” rinig kong wika ni bunso habang naglalakad ako buhat siya. Gising na pala ang loko. "Yun?” sabi ko sabay nguso sa nagbebenta ng sorbetes sa plaza. Tumango lang ang loko sabay ngiti. Lumapit naman ako sa naglalako nito at naglabas ng tatlongpung piso mula sa 'king bulsa."Manong dalawang naka-apa po... Isang sampung piso at isang dalawangpung pisong sorbetes." wika ko sabay lapag ng bayad sa gilid. Habang naglalagay ng sorbetes si manong ay pansin kong panay ang tingin niya saakin tapos may paminsan-minsang pa siyang ngiti na hindi ko mawari kung matatawa ba ako--sapagkat para siyang matatae sa pagpipigil. "Siguro ay may mali o dumi sa mukha ko..." sambit ko sa isip ko. Binalewala ko nalang ito at umalis matapos naming makuha ang pinamili naming mga sorbetes. "Kuya, small lang saakin tapos big yung icecream mo!" reklamo nito ni Dasheng na masama ang tingin. "Hala!!! Bat ganyan tingin mo? Sakto lang naman yan kasi di mo mauubos yung ganito..." tugon ko sa reklamo niya."Nope, mau-ubos ko naman eh..." sige parin siya. Natawa nalang ako." Dasheng naman, next time nalang kasi nabili na natin. Eat mo nalang kasi baka kainin pa yan ng langaw lalo kang walang makakain!" pagnanakot ko sakanya. Medyo nagulat na't nag-alala naman ngayon yung itsura niya sabay madali sa pagkain nito. Natawana nalang ako ng palihim. "Lika na nga, uwi na tayo para maka-inom ka ng water para di sumakit lalamunan mo... " Habang naglalakad ako, as usual ayaw niyang bumaba dahil tamad siyang maglakad. Dumami na ang mga tao rito sa plaza. Maraming mga mag-jowa at magkakaibigan ang naglalakad at may kung ano-anong bagay ang ginagawa. Diretso lang ako sa paglalakad at napadaan ako sa grupo ng mga kabataang magkakaibigan na maingay at magulo. Nang medyo malapit na ako sa kanila ay naging mas maingay sila, ang nakakailang na mga titig nila ay parang palasong tumatama saakin. Di ko nalang ito masyadong inisip at nagpatuloy lang sa paglalakd hanggang sa medyo malagpasan ko sila. Medyo malayo na ako pero naririnig ko ang mga tilian nila. "Kuya akin ka nalang!” ”Kuya ang gwapo mo!" "Kuya sama ako!!!" Yan ang mga katagang naririnig ko pero medyo mahina na. Hayst, mga kabataang yun ay landi lang ang inatupag sa plaza. Di ko rin naman sila masisi dahil dagsaan ang mga tao roon at madalas pang mga may itsura ang dumadaan doon na naka-suot ng "aesthetics" base sa standards nila ngayon... Tagumpay naman kaming naka-uwi ni Dasheng ko, at umupo ako pagkatapos ko itong ibaba sa upuan. Bahagya akong pumikit habang nag-iisip. Pasukan na bukas at paniguradong pagod nanaman ako nito. Hahaha. Sana'y bukas at sa mga susunod pa ay maging maayos at madali lang ang mga gagawin namin. Birthday ko kasi sa 1 linggo mula ngayon. Nais kong sorpresahin sila mama. Bukas sisimulan ko na ang plano... To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD