Kabanata 3: Anong gagawin ko?

1541 Words
...Natapos ko nang mapulot ang mga nahulog sa sahig at aalis na ako. Bwisit kasi tong lalaking ito, ako pa may kasalanan? Kung sinuswerte ka nga naman. Tatalikod na sana 'ko nang may nagsalita sa likod ko. "Ayos ka lang ba?" napalingon tuloy ako sa likod matapos kong marinig iyon. Siya yung medyo morenong lalaki kanina na katabi namin sa Bus. Matangkad pala siya at medyo malaki ang katawan. Sa tingin ko'y 6.0 feet ata height niya. Salungat sa'king 5'11, so I can tell the difference. "Yeah, I'm okay..." tugon ko tsaka umalis na dahil medyo late na ako. Medyo rude yung dating ng respond ko kanina kasi bwisit pa rin ako sa lalaking mayabang na yun. (3rd person POV: Naka titig lang ang lalaki sa papaalis na si Victor, hinantay niyang makaalis ito at medyo napakamot nalang ng batok habang nililisan ang lugar.) Ang malapad na likod na lamang ng lalaking bwisit na yun ang nakikita kong tumatakbo. Ni di man lang ako nakatanggap ng dispensa at ako pa ang nasisi, gayong ako na nga ang gumilid at nagparaya sa daan. 5 minutes later. Narating ko rin ang Bio lab, dito kasi kami magkaklase ngayon kay Sir Ochoco. Bina bako na ang bag ko sa gilid ng mesa at nilagay sa ilalim na lalagyan ang brown folder kong naglalaman ng mga takdang aralin ko. "Uii, Victor... Aga natin ahh?" bungad saakin ng kaklase kong si Maji, na talagang maganda at sexy sa suot niyang uniform ngayon. "Medyo natagalan nga ako dahil nagka-aberya kanina, pero ok na, buti naayos ko." ngumiti ako at tinapik naman niya yung balikat ko tsaka kami umayos. Sakto naman sa pagdating ni Sir Ochoco. Samantala ang kaninang maingay na silid ay tahimik na ngayon, at naka-upo narin ang mga estudyanteng nakakalat lang kanina sa kung saan-saan. "I am supposed to have a class on you today. However, an urgent meeting suddenly came up... So--I came here just to give you a seatwork." wika niya pagpasok niya pa lang sa may room namin. Tinignan niya saglit ang kanyang wristwatch at nagpatuloy. "So we have finished the mid-term examination. Honestly, I am still happy with the results." nag-paused siya saglit at napatingin sa labas ng room at nginitian ito. "Keep up the good work! For the meantime, I am with someone else. He came from the Jack Hillstone College, and he transferred here 4 days ago after he finished his mid-term. Now, given my urgent circumstances... I will now leave him to you, he's going to be your new classmate for the last 2 years that you're going to spend here " Sir Ochoco said and let the guy he was talking about enter the room. The room was filled with indistinct chatters and giggles. "Mr... Please tell us something about you." "Hi, I'm Mccoy Lopez. 20, and nice meeting you!" wika niya sabay bitaw ng matamis na ngiti. Pagkatapos ay inilibot niya ang kanyang mga mata at maya-maya pa ay huminto ito sa puwesto ko. Iniwas ko nalang ang mga tingin ko nang magtama ito sa kanya-- bagkus ay sinimula kong gawin ang seatwork na binigay ni Sir saamin kanina. Work. Work. Work. Work. "Hi, may I sit here?" tanong ng kung sino. Ako naman ay tuloy lang sa pagsagot sa mga scientific questions sa paper ko. "Hey, I just ask--" hindi natapos ang sinasabi ng nagtanong nang lumingon ako pataas sa kanya. Tumango lang ako... Umupo naman siya. Malay ko bang saakin siya nagtatanong, kala ko sa katabi ko. Inilibot ko ang mata ko sa paligid at wala na palang available chair, except sa upuang nasa tabi ko. Kaya pala... "Hi, I'm Mcc--” wika niya pero di ko na pinatapos. "Yeah Mccoy, Mccoy Lopez... I heard earlier." putol ko sa kanya. "O-Okay, heheh." sabay kamot niya sa batok. Ewan ko pero hindi talaga ako madaldal sa school at madalas ko lang kausap ay si Maji kasi kababata ko siya. "Sorry for the interruption, btw." paghingi niya ng sorry saka nag-scroll ng kung ano sa CP niya. Tumango nalang ako bilang pagtanggap nito. Halos wala naman kaming ginawa aside sa mga paper works dahil lahat pala ng prof namin ay nag-attend sa urgent meeting nila. Ilang saglit lang ay tumunog na ang bell, hudyat na lunch time na. Kinuha ko naman ang shoulder bag ko at agad na lumabas para kumain sa cafeteria. Pero siyempre dadaanan ko pa si Dasheng. Sabay na kaming kakain kasi, palagi naman. Naglakad ako papuntang Elem building ng ilang minuto para sunduin ang bunso. Nang masundo ko na siya ay binuhat ko na siya papuntang cafeteria. Bagal kasi maglakad eh, baka maubusan pa kami ng upuan. At pagkain. "Kuya I want adobo and tinola..." "Wait mo ko here ahh," bilin ko sa kanya at nakahanda nang umalis. "Wait Victor, as usual! Ako na bahala magbantay kay baby Dash..." buti nalang at dumating si Maji, makulit pa naman itong si Dasheng at mahilig magtatakbo. Pero di ngayon, paniguradong mahihiya siya kay Maji. Hahaha. Torpe ang bata... Pumila na ako, konti lang naman na ang pila dahil halos lahat ay kumakain na. "Ate as usual po..." wika ko kay ate Bea Joy na siyang in charge sa pagde-distribute ng mga meals. "Ito na..." sambit ni ate sabay lapag ng isang malaki at mahabang tray na puno ng pagkaing madalas kong ino-order. Kinuha ko na ito at nagpasalamat na sa kanya at linisan ko na ang lugar na yun. Agad naman akong bumalik sa pwesto namin nila Maji at Dasheng. Habang naglalakad ako patungo sa kanila, napansin kong tumatawa silang dalawa at may kaharap sila na lalaki. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at 'di ko makita ang mukha ng lalaki sapagkat nakapatalikod ito mula saakin. Nang marating ko ang mesa, inilapag ko na ang mga pagkain namin isa-isa. Pagkatapos ay tagumpay kong nakita ang mukha ng lalaking kausap at katawanan ng dalawa. Si... "Mccoy???" gulat kong sabi. Hindi naman exaggerating yung pagkakasabi, tama lang. "Kain..." sambit niya sabay subo ng beef steak na pagkain niya. Tumango nalang ako at umupo. Nagsimula na kaming apat sa pagkain at panay parin ang tawa ni Maji at bunso. Ako naman, eto... Seryoso sa pagkain. "Ahhh... Ikaw pala yun? Kaya pala pamilyar yang mukha mo." gulat na wika ni Maji sabay palo sa braso ni Mccoy. "Iba ka..." "Honestly, ayoko pero walang choice eh..." tugon naman ng isa. Paminsan-minsan nahuhuli ko si Mccoy na sumusulyap saakin. Ako naman ay normal lang ang kilos at di nagpapahalatang napapansin ko. Baka nagtataka lang kasi di ako palasalita, ngayong araw. "Ito water..." sabay abot ko ng 1 basong tubig kay Dasheng. Katatapos lang namin kumain and guess what? Tuloy pa rin sa pag-uusap ang dalawa. Maya-maya pa'y nagpaalam na ako sa dalawa dahil ihahatid ko pa itong kapatid ko, at dediretso pa ako sa library para gumawa ng paperwork. Kumaway kaming dalawa at tsaka umalis. (3rd person POV: Nang maka-alis yung dalawa ay agad na nagtanong si Mccoy kay Maji... "May galit ba saakin si Victor?" tanong niya na medyo naguguluhan. ”Paano mo naman nasabi?” tanong pabalik ni Maji. "Kasi simula nung pagpasok ko kanina parang ang cold niya at tahimik lang. Pagkinakausap ko ay tango lang ang sagot niya..." paliwanag naman niya. Natawa si Maji nang impit. "Baliw, ganoon talaga yun. Besides, hindi kayo gano'n ka-close para kausapin ka niya ng matagal. Kababata ko yun kaya ako lang close niya. Isa pa, madaldal yun. Kaso tahimik pag may ibang tao, lalo na kung di niya kilala ng lubos..." napa-tango na lamang ang binata.) Naihatid ko na ang kapatid ko. Naglalakd na ako patungo sa main library ng VIS. Habang nasa ganoon akong paglalakad, bigla akong may narinig na nagsalita; "Boss, pasensya na di na mauulit!” medyo mahina pero rinig ko naman. "Hindi na talaga dahil huli mo na ito..." wika nung isa. Lumapit ako sa pinangga-galingan ng mga boses. Doon sa may likod ng library ako dumadaan kasi walang halos dumadaan dito. Tapos nakita ko rito ang isang lalaking matangkad kausap ang isang lalaking payat na nakaluhod sa harap niya, at may pasa ito sa mukha. Nagtago ako sa gilid ng malaking basurahan. Nagpapaliwanag ang lalaking nakaluhod samantalang walang pakialam naman ang lalaking kaharap nito. Isang malakas na suntok ang iginawad niya rito at natumba ang lalaki sa kinaluluhuran nito. Labis na awa ang aking naramdaman. Pupunta na sana ito kaso dehado ako, biglang lumabas ang iba pang kasamahan ng lalaki. Nagsi-tawanan pa ang mga ito. Tatayo na sana ako at tatawag ng tulong. Pero bigla kong nasagi ang lata ng in-can pineapple juice sa sahig. Nag-echo ang ingay nito dahil inclose ang lugar sa back door ng library. Sumilip ako at lahat sila nakatingin sa pwesto ko. "Sino yan, kung sino ka man magpakita ka!!!" sigaw ng isa sa mga kasamahan nito. Palapit siya ng palapit sa pinagtataguan ko. Ako naman ay biglang pinagpapawisan ng malamig at lumakas ang t***k ng puso. Halos lumabas na ito sa dibdib ko. "Kala mo ay hindi naman alam na minaman-manan mo kami?" medyo mahinang bulong ng lalaki. "labas na dyan..." Nag-iisip ako ng pwede kong gawin. Kung lalaban ako tiyak na dehado ako. Kung mananatili ako rito tiyak na mahahanap niya ako. Anong gagawin ko? To be continued...

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD