ABALA ako sa pag inventory ng makarinig ako ng mahinang katok sa pinto ng office ko. "Come in," saad ko sa pag-aakalang si Lexie and nasa pinto. "Lex, nasaan 'yong mga resibo ng sales kahapon? Hindi ko kasi mahanap dito," I asked without looking. Ngunit napalundag ako sa gulat ng bigla nalang may yumakap sa akin mula sa likod. "Ayyy ano ba! Sino ka?" agad akong nagpumiglas. "Hey. Relax, it's just me..." I calmed down a bit when I heard Madrigal's voice. Tinanggal ko ang mga braso niyang nakayakap sa akin at humarap dito. "What are you doing here? Hindi ka pwede dito sa office ko. Has anyone seen you coming in here?" "Ohh,well. Hi, self... I'm glad to see you," he's being sarcastic. I ignored him. "You should have called me first. Ano ba kasing ginagawa mo dito?" "Nakakastress sa o

