GUSTO kong lubos na maintindihan ang mga nangyayari kaya nagpasya akong puntahan sa hospital kung saan naka confine ang anak ni Daddy sa dati nitong secretary. Ilang minuto na akong nakatayo sa labas ng private room nito ay hindi ko magawang kumatok. Naduduwag ako na hindi ko maintindihan. Nag-uurong sulong ang pakiramdam ko. "Kristen?" Napalingon ako ng marinig ko ang boses ni Daddy na tumawag sa pangalan ko. Mukhang kadarating lang din nito. "D-Daddy." Lumapit ako at humalik sa pisngi nito. "What are you doing here? Kanina ka pa ba dito?" "I-I want to see her. If---if it's okay?" "Of course. Halika pasok ka. I'm sure she will be happy to see you. Actually, matagal na niya kayong gustong makilala," nauna ito sa pinto at binuksan para papasukin ako. Pagkapasok namin sa loob ng kwa

