NAIILING si Pamela habang nakatingin sa akin na nilalantakan ang dala nitong manggang hilaw at maanghang na bagoong. Tinawagan ko siya kanina at nakiusap na dalhan ako ng mangga at bagoong. "Iyan lang ba talaga ang kakainin mo?" "Oo, okay na ako dito. Salamat ha! Pasensya narin. Wala akong ibang mapakiusapan eh. Alam mo na---baka mahalata nilang naglilihi ako." "Ano ka ba, okay lang. Pupunta rin naman talaga ako dito. Si buntis kasi kinukulit akong puntahan ka. Nag-aalala sayo. Kung hindi ngalang 'yon bantay sarado kay Kenzo ay baka pumunta 'yon dito," Tukoy nito Kay Chantal. "Oo nga pala. Malapit na 'yon manganak." "Baka mamaya or bukas. Kaya hindi na pinapayagan ng asawa niyang lumabas at baka daw abotan ng panganganak sa daan." Natahimik ako at hinimas ang tiyan ko na hindi pa n

