PALINGA-LINGA ako kung tama ba ang daan na napasukan namin. Kanina pa kasi kami naliligaw ng pinsan kong si Frankie. Ang mahirap pa ay wala manlang kaming makitang bahay kung nasaan kami ngayon. Walang katapusang puno ng mangga lang ang nakikita namin sa paligid. "I shouldn't have come with you here... My God! It's so scary here! I don't want to die!!! I don't want to die virgin, hindi ako tatanggapin sa langin. If I only know this would happen to us, I should have at least give my virginity to any of my suitors para naman natikman ko manlang ang sinasabi nilang luto ng Diyos bago tayo kunin ni Lord,"over acting na litanya ni Frankie. Imbes na kinakabahan narin ako dahil sa hindi namin alam kung nasaan na kami, hindi ko maiwasan na hindi matawa sa pinagsasabi niya. Bilog yata ang buwan

