Chapter 29 "Manong," tawag ko sa driver ng jeep. "Iyong sukli ko po." Pero sa rami ng nagbabayad, hindi niya ako narinig. Pero may kutob ako na sinasadya niya, eh. "Manong...sukli ko po." Hindi niya pa rin ako pinakinggan. Kaya mas nilakasan ko na. "Manong! Sukli po!" Nagbuntong-hininga siya at tumingin sa 'kin. "Oo na, oo na." Hinawakan ko ang strap ng bag habang naghihintay. Masama ang tingin niya nang iniabot niya ito sa akin. "Sa susunod po, matuto po kayong magbigay ng sukli," pagpaparinig ko kaya naman mas sumama ang tingin niya. Nakakapanibago 'yun kasi kilala ko na ang driver na 'yun. Matanda siya at kalbo. Matagal na niya iyong ginagawa sa 'kin, pero para bang nagkaroon na ako ng lakas ng loob. Ayaw ko nang maging talunan...ayaw ko nang maging aso kagaya ng sabi ni Mayumi

