KABANATA 2

2416 Words
Alexena Hindi na ako nagulat nang bigla itong kumanta. He's always like this, lagi nito akong kinakantahan every time na may napapansin itong kakaiba sa akin. Ilang taon pa lang kaming magkasama at magkakilala but it seems na kilalang-kilala na ako nito. Sabagay, hindi naman na rin nakakapagtaka dahil gano'n din ako rito. Hindi ko na napigilan ang pagpikit habang dinadama at pinapakinggan ang ganda at lamig ng boses nito. He's really a good singer. Nakaka-relax at nakakapawi ng alalahanin. Walang kupas, kahit pa nga hindi na ito nakakakanta sa entablado na alam kong isa sa mga bagay na kailanman ay hindi mawawala rito kahit na lumipas pa ang mga taon at tumanda na kami. Kung first love ko ang volleyball, sobrang obvious naman na ang kay Hero ay ang pagkanta. Nangiti ako dahil sa mga lyrics ng kinakanta nito na kanta ni JK Labajo, ang title niyon ay Para sa 'yo. Sinasalamin kasi sa mga kataga ng kanta na palagi itong nariyan para sa akin. At totoo naman talaga iyon. He's been there with me when I was lost. Sinamahan ako nito at sabay pa nga kaming nagpakaligaw noon. Hero has been my anchor ever since. Iba rin 'yong saya na kayang ibigay nito sa akin na alam kong hindi ito aware at alam ko ring hindi nito alam kung gaano ako ka-grateful dahil kasama ko ito. Ang swerte ko dahil may kaibigan akong katulad nito sa buhay ko. Tumigil na ito sa pagkanta at hinalikan ako sa noo habang hindi pa rin lumalayo sa akin kalaunan. Tinitigan ako nitong mabuti. "I'm willing to help you little by little. I will always be here for you hanggang sa maging maayos ka na talaga. Kapag masyado nang mabigat 'yang isipin mo at dinadala, pag-usapan natin at huwag mong kimkimin. Kahit na paulit-ulit pa at alam ko na 'yong sasabihin mo, I'll still listen. I will always listen. Hindi ako mapapagod, I promise. Just talk it out to lessen the pain and burden, okay?" masuyo nitong sabi. Maayos? Ano nga ba ang meaning ng pagiging maayos? It seems na magkaiba kami ng pakahulugan. Tumango ako makaraan ang ilang sandali. "Okay," sabi ko na lang para hindi na ito mag-alala pa. "Good to hear that." I will always thank God for his existence. Dahil nakadikit pa rin naman ito sa akin ay ako naman ngayon ang yumakap dito. "Thank you, Hero. But your presence is more than enough for me. Don't worry too much about me; I'll live. Just promise me that you'll stay no matter what. 'Yon lang ay sapat na. And thank you, really. Thank you for coming into my life." Tumawa ito. "I should be the one telling you that. Thank you for always understanding me. If not for you, I will still be that worthless vagabond who knows nothing about life but to be a rebel. Thank you for opening my eyes to the fact that my parents really love me and that they only want what's best for me. Thank you for always believing in me and for being my number one supporter in everything that I want to do." Dahil sa narinig ay tiningala ko ito at nag-aalalang tiningnan. "Speaking of number one supporter. You do love singing, kailan ka babalik sa banda para kumanta?" Ngumiti ito pero katulad din ng nakita nito sa akin ay may nabanaag akong lungkot doon. "I still don't know, maybe pagbalik niya." Kahit na hindi pa nito banggitin ang pangalan ay alam ko na agad kung sino ba ang tinutukoy nito. "Paano kung hindi na siya bumalik?" tanong ko. "Babalik 'yon," siguradong sagot nito. "How sure are you?" usisa ko. "Sure na sure." "Pero paano kung... nagbago na pala ang nararamdaman niya para sa iyo pagbalik niya?" patuloy na tanong ko. Nagkibit-balikat ito. "Then.. I'll make her fall for me again. I'll make her fall for me harder this time." Napangiti ako dahil sa excitement. "Pero kailan kaya iyon? Sayang naman kasi ang boses mo. Ako na lang palagi ang nakakadinig, ipinagkakait mo sa iba." "It is the only way I know how to punish myself for treating her badly, dahil na rin hinayaan kong mawala siya sa akin at dahil alam kong nasaktan ko siya ng sobra." "You're being too hard on yourself." "Don't worry about me, babalik din naman ako sa pagkanta, once na bumalik na siya." Natuwa ako sa sinabi nito, "I just hope na bumalik na siya." Napangiti ito. "Pero hangga't wala pa siya, ikaw na lang muna ang kakantahan ko para makapag-practice ako kahit na papaano." Pakunwaring sumimangot ako. "Ah, gano'n? Practice-an lang pala ako?" Pinisil nito ang pisngi ko. "Huwag ka nang magtampo, hmm? Para naman iyon sa kanya kaya kailangan ko pa rin kumanta kahit na papaano, baka kasi kalawangin na ang boses ko pagbalik niya. Diyahe. Kaunting tiis at sakripisyo pa natin." Nalungkot akong bigla sa huling sinabi nito. I let out a sigh. "Kaunti? I know how much you love to sing, Hero. But you're depriving yourself of doing something that you really love to do. Parang ang simpleng pakinggan ng salitang sakripisyo, pero ang totoo ay iba ang bigat niyon sa akin." The word sacrifice always reminds me of the past, my mistakes, guilt, sorrow, and regret. Bahagya akong tumawa pero wala iyong halong kasiyahan. "Sakripisyo. I really hate that word. Lagi kasing may kapalit. You'll win some pero may mawawala rin sa iyo, may kabayaran kumbaga. It's not always a win-win situation. It's not free, because it has a price. In most cases, either you'll get hurt in the end or you'll hurt people without the intention of hurting them, or maybe both? And that's the most painful thing. Sumugal at nagsakripisyo ka nga pero may napala ka ba? Wala. Natalo ka lang sa bandang huli," seryosong litanya ko. Pinakawalan ako nito at hinaplos ang pisngi ko. "How to become you po? You're so smart para masabi 'yong mga narinig ko na puno ng sense," pabirong tanong nito. "Kung smart ako. Hindi dapat ako ganito ngayon, Hero." Pinisil nitong bigla ang pisngi ko. "Cheer up. Ayan ka na naman, e. I can see sadness in your eyes." Nagbuga ako ng hangin at iniiwas ang mata rito. Sobra ba talagang visible sa mata ko 'yong nararamdaman ko? Gano'n ba ako kadaling basahin? At dmn. Bakit ba parang masyado yatang seryosohan ang mga napag-uusapan namin? "Gusto kong ibalik ang lahat ng ginawa mo para sa akin, I want you to be finally happy," sambit nitong bigla. Nabalik ang tingin ko rito. "Thank you. Pero ang dami mo rin kayang nagawa para sa akin. Alam mo bang ikaw ang unang magandang nangyari noong gabing durog na durog ako?" pagpapaalala ko rito sa una naming pagkikita. Napaka-gentle nitong tao, ang swerte ko lang talaga dahil nakilala ko ito noong gabing iyon. "Alam mo bang ikaw din ang naging daan para magkaayos na kami ni Tatay, dahil sa naging suggestion mo sa akin kung saan ba ako dapat na pumunta? Hindi mo ako iniwan, hindi mo ako hinusgahan, tanggap mo rin kung ano at sino talaga ako. You're really more than enough, Hero. So, please ang mahihiling ko lang sa iyo ay huwag mo akong iiwan. Do I need to say more? Pero thank you talaga. Bagay na bagay sa iyo ang pangalan mo. Ikaw ang aking hero, Super Hero." Napakamot ito sa sentido at nahihiyang ngumiti. "Ang dami mong alam. Ang drama mo." Natawa ako sa hitsura nito. "Ikaw kaya ang nagsimula." Ganito talaga ito kapag sinasabi ko rito 'yong mga magagandang nagawa nito o kapag pinupuri ko na, nahihiya na lang bigla. O ‘di kaya ay sasabihan na madrama raw ako kapag hindi na alam ang sasabihin sa ganitong sitwasyon. Defense mechanism na nito iyon. Magaling lang itong ipagmayabang ang sarili nito, though may ipagmamalaki naman talaga. Pero subukan mong purihin, tumitiklop naman bigla. "Ewan ko sa iyo. Teka... pumunta ba rito 'yong kapatid ko?" pag-iiba nito ng usapan sa huli. Oo nga pala. 'Yon pa pala ang isang dahilan kaya ako naiwan at hindi nito isinama sa meeting kanina, tinawagan ako nito at mabilisang ibinilin na biglaang dadating ang stepbrother nito. Umiling ako. "Hindi, hinihintay ko nga. Pero nakita ko kanina na may inililibot 'yong security team sa building, hindi ko na lang nilapitan. Besides, may ipinapahanap ka pa sa amin na papeles no'n." "Okay... pero bakit kaya hindi tumuloy rito?" nagtatakang tanong nito. Nagkibit-balikat ako. "Ano na nga ang pangalan no'n?" Ngumisi itong bigla. "Interesado ka?" Umiling ako agad nang sunod-sunod. Paano nito naisip 'yon? Samantalang ako nga ay hindi ko man lang naisip 'yon. "Guwapo 'yon. Parang ako lang," dagdag pa nito. Tinaasan ko ito ng kilay. "So? Tinatanong ko ba? Pakihanap muna ang pake ko." "Hmm, bagay sana kayo. Kaso lang ay babaero. Kaya huwag na lang. Ayokong masaktan ka ulit. Binabawi ko na, hindi pala kayo bagay," patuloy pa nito na parang hindi narinig ang sinabi ko. Ikinunot ko ang noo ko. Itinanong ko lang naman ang pangalan pero kung saan-saan na nakarating ang sinasabi nito. "Matino raw 'yon dati, e. Ewan lang kung ano ang nangyari... pero ang maganda lang do'n hindi niya pinabayaan ang pag-aaral. Naka-graduate with flying colors ang loko. Pero 'yon nga... papalit-palit ng babae. Natatakot nga sina Mama na baka magkasakit. Mabuti na lang at umuwi na rin. Handa na yatang pamahalaan 'yong naiwan na negosyo ng namayapa niyang ama," pagkukuwento nito kahit na hindi pa ako nagtatanong at lalong hindi naman ako interesado. Napangiwi ako dahil sa mga nalaman ko. Pero tama nga ang sinabi ni Hero. Hindi kami bagay ng kapatid nito. Babaero tapos iresponsable pa. Tsk. I'ts a big no for me. "Pero kung gusto mo naman... puwede kang sumama sa akin sa bahay para makita mo siya. Kakarating lang niya kaya may family dinner kami mamaya dahil kumpleto na ang pamilya," pagyayaya nito kapagkwan. Umiling ako kaagad. "Hindi na, 'no." Hindi pa ako nakakapunta sa bahay ng mga ito dahil sa condo nakatira itong si Hero at madalang na umuwi sa pamamahay ng pamilya nito. Ang nakita ko pa lang na pamilya nito ay ang Papa nito. 'Yong stepmom na tinatawag naman nitong Mama ay hindi pa rin dahil abala raw palagi sa pagpapatakbo ng kompanyang naiwan ng dati nitong asawa. 'Yong stepbrother na kararating lang galing sa kung saan at pati 'yong bunso naman na sa probinsiya nag-aaral ay hindi pa rin. Clueless ako pagdating sa miyembro ng pamilya nito, wala man lang din kasing picture si Hero rito sa opisina tapos pareho pa kaming walang hilig at walang panahon sa social media na sa panahon ngayon ay lagakan ng mga litrato ng pamilya, kaibigan, events at iba pang bagay. Hindi rin naman ako nagtatanong tungkol sa mga ito. Hindi ko kasi talaga ugali ang kilalanin at usisain ang tungkol sa pamilya ng iilan na taong nagiging malapit sa akin. Sa ilang taon na magkasama kaming dalawa ay ito lang at ang Papa talaga nito ang kilala ko sa buong pamilya ng mga ito dahil iyon lang ang bumibisita rito paminsan-minsan. "Ayaw mo?" Umiling ako. "Natakot ka naman agad. May pagka-choosy rin 'yon, uy!" Aba't! Nanlaki ang mata ko. "H-Hoy! Gagi ka!" Tumawa ito nang naaaliw. "Joke lang. Actually, baka matipuhan ka pa nga no'n. Ingat ka na lang kapag pumunta rito. Magpapangit ka, ha? Mahilig pa naman sa maputi 'yon na parang labanos ang balita ko kay Mama, saka sa matatangkad daw." Napasimangot ako, naisip ko kasing maputi ako at matangkad din. "Pero ayaw mo talaga?" kulit nito. Ngumuso ako. "Ayoko nga. Ngayon lang mabubuo ang family ninyo tapos makikiepal pa ako?" "Sama ka na," pangungulit nito. Tiningnan ko si Hero. "Kulit mo. Umuwi ka na nga lang, Hero," pagtataboy ko. Tinaasan ako nito ng kilay. "Ba't ba ayaw mong sumama? Wait... huwag mong sabihing dahil sa natakot ka sa sinabi ko tungkol sa kapatid ko?" Umiling ako kaagad. "'Di, 'no," tanggi ko. Tiningnan ako nito nang hindi naniniwala. "Duh," tugon nito makalipas ang ilang sandali. Napatawa naman ako nang malakas. Grabe. Kung anu-ano ang natututunan nitong pogi na 'to. Kitang-kita ko kung paano lumambot ang ekspresyon nito habang pinagmamasdan ako. "Try harder, Babe. One day, you'll get through it. Magiging totoo ka nang masaya." Nailing-iling ako. "Whatever. Umuwi ka na, tutal tapos naman na ang meeting ninyo." Tumawa lang ito at pumunta na sa mesa nito. Pinanuod ko naman ito habang inililigpit ang ilang mga gamit. Napapailing na tumayo na ako nang makitang pinagsasama-sama na naman nito 'yong ibang mga files na naroon. Nang makalapit na ako sa mesa nito ay inagaw ko ang mga papel. "Tsk. Ako na. Kami lang din naman ni Mathos ang mahihirapan kapag may hindi na naman mahanap." "Teka, nagrereklamo ka ba ng lagay na 'yan, Babe?" "Hindi. Pero lumayas ka na. Go na." Natawa ito. "Thank you. I really don't know what my life would be without you," sabi nito, hindi ko alam kung nang-uuto ba ito o ano. Tiningnan ko ito. "A hoodie jacket will do," biro ko habang itinutulak ito palabas ng opisina. Nilingon ako nito. "Iyon lang ba? Sige, bibilhan kita," pangako nito. Itinulak ko pa ito hanggang nasa labas na ito at pinagsaraduhan ng pinto. Nang mapag-isa na ako ay napasandal ako nang nakangiti sa pinto. No, Hero. I don't know what my life would be without you. Naaalala ko pa kung saan at paano kami unang nagkita at nagkakilala, pero hindi ko lang inakala na magtatagal kami na magkasama ng ganito. Mula noong gabi na umalis ako at nagpakalayo-layo, isa ito sa mga naging sandalan at karamay ko sa lahat, hindi nito ako iniwan. He became a family in an instant. Totoo ngang hindi nasusukat sa dugo para masabing pamilya mo ang isang tao. Just like Hero, we're not related by blood, and he was once a stranger who offered not only his shoulder to lean on but also his loving arms that are always ready to give you comfort when you're feeling like your world is falling apart. He's not just a friend; he's also family. I'm just glad that I met him that night. It's not every day you'll meet such a warm and caring person like him. Ito talaga ang unang magandang nangyari nang gabing iyon sa buhay ko. Malas man ako sa pag-ibig pero suwerte naman ako sa kaibigan at pamilya. May nawala at binitawan man ako, pero may dumating naman na bago at para sa akin ay sapat na 'yon. Kailangan ko lang makuntento.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD