Chapter 7

1078 Words
" Goodnight, Ava." Matapos ibaba niya ito sa kama ay ilang sandali niya itong pinagmasdan. She looks at peace while sleeping. Hindi katulad na pag gising ito na bigla na lang malulungkot. " I can't speak, but I can understand your language, Ava." Ngumiti siya bago ito iwan sa silid nito. Nagtuloy siya sa kanyang kwarto na nasa hotel. Nag shower muna siya bago gumawa nang tawag. Kailangan niyang asikasuhin ang pagbalik niya. " Hello, Martina. I want you to arrange important matters for me." Simula niya nang tawagan ang kanyang personal assistant. Idinatalye niya ang gustong mangyari. "Certifique-se de que será feito." Madiin niyang sabi bago ibaba ang tawag. Dumapa siya sa kama at sinubukan na matulog. He used to sleep naked, ito ang nakahiligan niya. Dumaan pa sa kanyang isip si Ava ang halikan nila at sinabi nito. " Everbody wants a happy and loving family. And I'm one of them." Nakatulog siya sa isipin na iyon. --- " Here, take this." Nag angat siya ng mukha at tiningnan ang ipinatong nito sa kanyang table. Kahit ang opisina niya ay alam nito. Hindi niya alam hanggang saan ang alam ng binata sa kanya. " What's this?" Kinuha niya iyon at binuksan. Print out iyon nang plane ticket papunta nang Las Vegas. Tiningnan niya ang lalaki na nakamasid sa kanya. " I can't just leave my job, Mr. Frias. After five days I have to come back." " What? No!" Agad nitong reklamo. " We already talked about it, Mr. Frias." Nang nasa resort sila napag kasunduan nila na magpakasal sa Las Vegas at muling babalik siya nang Pilipinas. Hindi sila magsasama bilang mag asawa. At sekreto lang ang kasal nila. " Make it ten days, then. I'm also a busy person, it's fair enough." Tumayo na ito at naglakad palabas nang kanyang opisina. She's numb, and can't feel anything. Para na lang siyang tuyong dahon na bahalang liparin nang hangin. " Why the sudden vacation, Ava?" Tanong nang kanyang ina, nang dalawin niya ito sa opisina. Ito ang CEO ng chain of hospital and medical school. "It's my first vacation Mama after you put me as an administrator of our hospitals. I need a break.” Lambing niya dito, nagdala pa siya nang paborito nitong pagkain. " I did not put you, you deserved it. As Mondragon heir and next CEO of this company." " Fine, ma. I will not be long ten days only." Hindi na siya nakipag diskusyon at panigurado na lalabas na naman ang pangalan ni Lucas Mondragon sa usapan. " Okay fine." Nakangiti nitong sabi. Noon pumasok ang kanyang ama at nagulat ito nang makita siya. " Ava, fancy seeing you here!" Sabi nito at lumapit sa kanya, yumakap siya dito at humalik sa pisngi. " And I'm not surprised seeing you here, Papa. Mama doesn't need to check the clock. Alam niyang uwian na dahil sinusundo muna." Natatawa niyang sabi. " Old habits difficult to die." Sumulyap ito sa kanyang ina at ngumiti. Masaya siya sa mga magulang at biglang nakadama ng lungkot para sa sarili. " I'm happy you are old already Papa, we can't catch you making out with Mama." Natatawa niyang sabi, na hindi iilang beses nila mahuli ang dalawa sa uncompromising situation. Tumawa din ito sa sinabi niya. " Lumaki na lang kayo ni Aidan at hindi naglalagi nang bahay, kaya wala na kayong nakikita." Kumindat pa ito sa kanyang ina na mahinang natawa. " What? C'mon, Papa." Hindi makapaniwala niyang sabi. " Ava, you will understand me. Pag nasa sitwasyon ka namin ng mama mo. You will not get tired of everything." At buong pagmamahal itong sumulyap sa kanyang ina. " Kaya, find a man who loves you as I do to your mother." Sabay nilang bigkas nang kanyang ama dahil litanya ito sa kanya sa madaming pagkakataon at na memorya na niya. Kung dati puno nang pag asam siya sa pagkakataon na iyon na mangyari sa buhay niya. Hindi na siya umaasa ngayon. At wala na siyang katiyakan sa bagay na iyon. Nasa kanya na ang lahat maliban sa asawa na mahal siya. " Mahal, she wants short leave kaya siya nandito." Bumaling sa kanya muli ang ama. " Hindi pa ba vacation ang ginawa ninyo recently ni Aidan? And weekend na palabas labas?" " No, hang out lang iyon papa. Hindi vacation." " And where do you want to go?" " Las Vegas, I want to visit my friend. She's getting married, Papa. Si Monique." Paalala niya sa kaibigan na nakilala nito nang dalawin siya nang magulang noong nag further study siya. Tumango naman ito. " Let's have dinner outside then." Yaya nang kanyang ama, tumayo na mula sa mesa ang kanyang ina. Sabay sabay silang lumabas ng opisina nito. Naghiwalay sila sa parking area.Sumakay siya sa kanyang sasakyan at ang magulang naman niya ay sa sasakyan ng mga ito. " See you at the restaurant, Ava." Kumaway siya sa mga ito at mabilis na pinaharurot ang sasakyan. Alam niya na sasawayin na naman siya ng mga ito pag magkita sila. Nakatanaw na siya sa ibat ibang klase ng halaman na nandun nang dumating ang mga magulang sa garden outdoor restaurant na napili nilang puntahan. " You drive too fast Ava. I told you not to be reckless." Agad na saway nang ina, at sinigundahan naman nang kanyang ama. " Baka ma aksidente ka Ava sa ginagawa mo." " Let's just order food." Aniya at tinawag ang waiter. Nailing na lang ang kanyang ama, habang inalalayan ang ina na maupo. Habang naghihintay nang pagkain, binuksan niya ang topic kay Aidan. Dahil ayaw niyang sa kanya ang topic. " Aidan brought Dia to our vacation house in Laguna." " I'm not surprised! They slept together in Thailand." Sabi niya sa dalawa na nagkatinginan. Nag usap ang mga mata at ngumiti. " He loves Dia, inamin niya sa akin. Gusto pang mag pa turo paano manligaw." Sabi nang kanyang ama na tinaasan niya nang kilay. " Si Aidan, really?" Aniya at mahinang natawa. "But I doubt it, Papa, wag na kayong magtaka kung bigla kayong ipa tawag ni Tito Shaun." Natawa lang ang kanyang mga magulang. " Umaasa kami na magkakagustuhan ang dalawa, kaya namin sila pinagsama sa isang work. Hindi naman namin alam na ganito kabilis ang mangyayari." Nailing na lang siya, mabuti na lang mahal talaga ni Aidan si Dia. At sana kahit si Aidan man lang maging masaya katulad nang mga magulang niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD