Chapter 5

1060 Words
" Ava may bisita ka." Tinanggal niya ang kanyang dark sunglasses , hindi siya pumasok dahil kagigising lang niya. Uminom siya nang pampatulog. Nagpasya siyang maglangoy matapos kumain nang agahan na alas diyes na nang umaga. " Who?" Bago pa siya sumagot, sumulpot sa kanilang pool area si José Luis at kasama si Aidan. " Ava, Mr. Frias is our new investor. He wanted to become a partner in our hotel resort that we're planning to put up in Rio." " Resort ang ipapagawa Aidan at hindi hospital. So I don't care." Balewala niyang sabi, at ibinalik ang sunglasses. Wala din siyang pakialam kung nakatingin ito sa kanyang katawan na two-piece bikini ang kanyang suot. " Ava, he's a guest." Hindi siya sumagot. " Your guest, Aidan. Not mine." " Babalik na siya Brazil, after niya bisitahin ang isa nating resort sa Batangas. Wala ka naman pasok, ikaw na ang sumama. If not, I will call Papa for you to do that." Sabi ni Aidan at tumalikod na. " Mr. Frias, she will accompany you to see the resort." Sabi nang kanyang kapatid at tinalikuran na sila. " Aidan!" Sigaw niya sa kapatid pero hindi siya nito pinansin. " Looks like you don't have a choice." Sabi nito sa kanya na hindi inaalis ang tingin sa kanyang katawan kaya tumayo siya. " Okay, I'll accompany you. Just less 25% of what I owe you." Nginitian lang siya nito at walang sinabi. Mabilis siyang nagtungo sa kanyang silid at nagbihis. " Let's go." Tinanggal nito ang atensyon mula sa binabasa sa cellphone. At ngumiti sa kanya. " You're beautiful!" Sabi nito na wala siyang naging sagot. Matapos niyang makita ang late fiancé nito na diyosa,hindi niya alam kung paano nito i define ang maganda. Kung maganda dito ang naka skinny jeans, puting t-shirt at sneakers . Hindi niya ito ko kontrahin. "Let's go, Mr. Frias." Muli niyang yaya dito, hinawakan siya sa braso bago pa siya tuluyang makatalikod. " Call me, José Luis." Utos nito, pero hindi siya nagpatinag sa mga titig nito. " Not until you learn to speak my language ." Sa halip sagot niya ay nginitian ito. " You don't know what I'm capable of doing, Ava." " Yeah, I'm impressed. Coming here and taking revenge on me. Your something Mr. Frias." " You'll find out soon, Ava. Who I really am." Binitiwan siya at nauna pa itong lumabas nang kanilang mansion. Habang byahe, pinili niyang patugtugin ang mga OPM songs. Wala naman pakialam ang kanyang pasahero at nakikinig lang. Pakiramdam ni Ava pinakamahaba niya iyong pag byahe sa buong buhay niya. " We’re here!" Anunsyo niya dito sa tono na nahahapo. Bahagya siya nitong nilingon. Bumaba na siya sa sasakyan at sumunod ito sa kanya. " Good morning, Miss Ava." Bati sa kanya nang mga staff. " Good morning." Bati niyang nakangiti sa mga ito. At lumapit na ang manager sa kanila. " Miss Ava, I'm instructed already by Sir Aidan. We'll give him a tour." "Good! Kayo na ang bahala sa kanya. Alam na ninyo kung saan ako pupuntahan pagkatapos." Hindi na niya hinayaan magsalita si José Luis at tinalikuran na niya ito. Pumunta siya sa reception at nag book nang cottage sa tabing dagat. Agad siyang, nahiga sa hammock pag akyat niya sa cottage na naka elevate sa buhangin. She likes this place, pero ngayong araw hindi niya ito ma appreciate. Buhat nang dumating si José Luis ay unti unti nitong pina pakain siya sa kanyang konsensiya. Pinagsawa niya ang sarili sa pagmasid sa dagat at kalangitan. At hindi niya alam kung makaka bawi pa ba siya sa bigat na dinadala. " When do you want to announce our engagement?" Bumaling ang tingin niya sa binata na naupo sa upuan na kahoy. " After you learn Tagalog." Sabi niya dito. " Good! Before you knew it, I can speak your language. Ava na maganda." Napaupo siya sa hammock sa narinig dito. " Just a few words, don't be excited." Sabi nito at ngumiti sa kanya. " We will sleep here tonight. You seem tired driving here." Hindi na siya nag komento, hindi din naman siya maka focus sa trabaho. " Let's go and have lunch." Inilahad nito ang kamay sa kanya at inabot naman niya. Sa restaurant sila nang hotel pumunta. " We will try the floating restaurant at dinner time." " Okay, whatever you say." Sabi niya at uminom nang tubig. " I'm glad you're submissive." Nakangiti nitong sabi habang, hinihiwa ang steak na nasa plato. " I owe you, and you are our guest. That's why, but definitely I'm not submissive as you think of me." Sulyap din niya dito, pero parang balewala ang sinabi niya. " I'm expecting that for a rich girl like you, Ava. Considering what you did in Las Vegas." Tumiim ang kanyang labi, pag nababanggit nito ang nangyari sa Las Vegas. Parang sinasakal ang kanyang puso. Natapos ang kanilang tanghalian na hindi sila nag imikan. Muli itong naging abala kasama ang manager nang hotel resort. Siya naman ay pumunta sa boutique at bumili nang kailangan niya sa biglaan nilang pagtigil ngayong gabi. Dinner time, sinundo siya nito sa cottage niya. At andito na naman ang mapanuri nitong tingin sa kanya. Kahit simple na bestida ang suot niya at gladiator sandals. At pansin, niya nagpalit na din ito ng damit, isang itim na polo at maong pants. " Let's go, Mr. Frias." Aniya, nakita niya ang pag dilim nang anyo nito pero wala itong magagawa. Kailangan muna nitong magsalita nang Tagalog para marinig sa kanya ang pangalan nito. " I've been into different resorts almost in Europe and America and this place is also amazing." Papuri nito na nakamasid sa paligid at tinatanaw din ang ibang balsa na naiilawan nang makulay na bombilya. At karamihan na nandito ay mga honeymooners or just couple having dates. " It's romantic. Mr. Luna, consider this place as a honeymoon destination and I agree." Tumatango pa nitong sabi. At bumaling sa kanya. " Tell me honestly, Mr. Frias. You came all the way here in my country for the investment or just to make revenged?" Isang smirk lang ang sinagot nito sa kanya. " I need to know Mr. Frias, so I can prepare myself and bargain." Pilit niya dito, pero hindi ito nagsalita dahil dumating ang staff na nag serve ng pagkain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD