Akala ko tapos na ang pagiging alipin ko sa bahay na ito. Pero sa bawat pag-ikot ng orasan, mas lalo kong nararamdaman kung gaano ako kaliit sa mundo ng mga Valderama.
Pagkatapos ng tensyon sa silid kanina ang init ng titig ni Lucien, ang bigat ng mga salita niya akala ko ay mapapalitan iyon ng katahimikan. Pero hindi. Sa bawat sulok ng mansion, naroon ang aninong dala ng presensya niya. Hindi man siya nagsasalita, pero nararamdaman ko siyang pinagmamasdan ako. Gabi-gabi. Sa bawat hakbang ko, para bang may mga matang nakatutok sa akin.
Isang linggo na ang lumipas mula noong insidente sa silid ng mga kasambahay. Hindi na niya ako kinakausap nang direkta, pero napansin ko ang ilang pagbabago.
May bagong damit sa aparador ko mga branded na hindi ko man lang matapangan suotin. May bago na rin akong silid sa kabilang wing, mas malapit sa kwarto niya. At sa bawat almusal, tanghalian, at hapunan... ako ang unang pinagsisilbihan ng mga staff.
Pero kahit gano’n, hindi ako komportable.
Hindi ko alam kung pakunswelo ito o panibagong paraan para paikutin ako sa laro niya.
"Mam Clara, okay lang po ba kayo?"
Napalingon ako kay Aling Bebang, isa sa mga mas matatandang kasambahay. Nakita niya siguro ang pagkapit ko sa gilid ng pinto habang sinusubukang lumanghap ng hangin.
Ngumiti ako nang pilit. "Oo po. Medyo nahilo lang."
"Baka po puyat. Mahirap po talaga mag-adjust sa buhay-mayaman, ano po?"
Buhay-mayaman. Kung alam lang niya.
Gabi na nang mapagdesisyunan kong bumaba para uminom ng gatas. Hindi ako sanay sa ganitong kalawak na bahay. Tahimik. Malamig. Parang bawat tunog ng yabag ko sa marmol ay umuugong sa buong bulwagan.
Pagdaan ko sa hallway malapit sa private office ni Lucien, napahinto ako.
May boses.
Hindi lang isa.
Para silang nagtatalo. At pamilyar sa akin ang isang tinig si Lucien. Ang isa naman, malalim, galit, at tila mas matanda.
"She’s a liability, Lucien," ani ng lalaking boses. "This marriage is foolish. Hindi mo dapat pinaabot sa ganito."
“She’s not your concern,” malamig na tugon ni Lucien. “I married her for a reason.”
“You married her dahil nag-panic ka!” bulalas ng isa. “At kung malaman ng council kung anong klaseng babae ang kinasal mo”
Biglang may tunog ng nabasag na baso. Sumilip ako nang kaunti mula sa likod ng malaking haligi.
Si Lucien… hindi na siya tahimik.
“You don’t get to question my decisions in my house,” matigas na sabi niya.
Napaatras ako. Ang pwersang iyon ang aura niya halos bumalot sa buong paligid. Ngayon ko lang siya nakita sa ganung estado. Hindi bilang malamig na lalaki, kundi bilang halimaw na kayang durugin ang kahit sinong hahadlang.
Tumalikod ako, pinipigilang lumikha ng ingay. Pero sa pagtalikod ko.
“Clara.”
Halos mapatigil ang t***k ng puso ko.
Nakatayo siya sa pintuan. Si Lucien. Nakatitig sa akin na parang alam niyang simula pa lang ay naroon na ako.
“Come,” aniya.
Dahan-dahan akong lumapit. Hindi ko alam kung dahil ba sa utos niya o dahil sa takot.
Pagdating sa harap niya, pinagbuksan niya ako ng pinto. Wala na ang lalaking kausap niya. Pero nanatili sa ere ang tensyon.
“May narinig ka ba?” tanong niya.
Umiling ako.
Sinundan lang niya ako ng titig mahaba, mapanuri. At pagkatapos ng ilang segundo…
“Simula bukas, sa loob ka na ng kwarto ko matutulog.”
Nanlaki ang mga mata ko. “What? Bakit?”
“Because I said so.”
“I don’t understand—”
Hindi ko na natapos. Lumapit siya, hinawakan ang magkabilang braso ko. Hindi masakit, pero sapat para hindi ako makagalaw.
“Alam kong may tinatago ka, Clara. At hangga’t hindi ko iyon nalalaman… I want you close. Very close.”
Hindi ko alam kung lalaban ako… o kung hahayaan kong lamunin ako ng dilim na dala ng lalaking ito.
Pero isa lang ang sigurado ko.
Hindi ako ligtas.
Ang bawat hakbang ko paakyat sa kwarto ni Lucien ay tila kalabog ng kaba sa dibdib ko. Sa bawat tapak sa marmol, para akong isinusuko sa isang bagay na hindi ko kayang takbuhan.
“Ano’ng ibig mong sabihin na… sa loob ng kwarto mo ako matutulog?” tanong ko habang sinusundan siya. Pero hindi siya lumingon. Tahimik lang siyang naglakad papasok sa suite niya malaki, madilim, at amoy mamahaling pabango na may halong sandalwood at something dangerous.
Pagpasok ko, agad niyang isinara ang pinto. Parang bitag na tuluyang bumagsak.
“I meant exactly what I said,” malamig niyang sabi, habang nagtatanggal ng coat. “Dito ka matutulog. Simula ngayon, gusto kong lagi kitang nakikita.”
“Bakit? Dahil ba natatakot kang tumakas ako?” tinig ko'y may bahid ng pag-aalburuto, pero hindi ko maitatangging nanginginig ang boses ko.
Lumapit siya. Hindi mabilis. Pero bawat hakbang niya ay may bigat. Parang mabangis na hayop na lumalapit sa biktima.
“No,” aniya. “Dahil mas maraming hayop sa labas ng kwartong ‘to kaysa sa loob.”
Napakuyom ako. “Hindi mo ako pag-aari, Lucien.”
Huminto siya sa harap ko, halos magdikit ang mga labi namin. Ramdam ko ang init ng hininga niya, ang lakas ng presensya niya. Sadyang nilulunod niya ako nang hindi ako hinahawakan.
“No,” bulong niya, “but you wear my name. You live under my roof. And you sleep in my bed.”
Napalunok ako.
“Anong gusto mong gawin ko? Magpakasaya sa bago kong kulungan?”
“Mas maganda kung matututunan mong gamitin ang kulungan mo bilang proteksyon.” Tumingin siya diretso sa mata ko. “You have enemies, Clara. Kahit hindi mo pa sila nakikilala. At ako ang tanging pader sa pagitan mo at ng kamatayan.”
Napalayo ako. Naramdaman ko ang sakit ng salitang iyon. Enemies?
“Bakit mo sinasabi ‘yan? Dahil ba sa narinig kong pag-uusap niyo ng matandang lalaki kanina? Sino siya? At anong ibig niyang sabihin na liability ako?”
Saglit siyang natahimik. Tila nag-isip kung sasabihin ba niya ang totoo o maglalagay ulit ng maskara.
“Wala kang dapat ipag-alala sa kaniya.”
“Huwag mo akong paasahin ng gano’n. I deserve to know.”
Lumapit siyang muli. “You’ll know, in time. Pero sa ngayon, isang utos lang ang kailangan mong sundin huwag kang lalayo sa akin.”
Parang may dagundong sa tenga ko. Ilang segundo akong hindi nakagalaw. Hanggang sa maramdaman ko ang kamay niyang humawak sa pulsuhan ko.
“Pumili ka ng side ng kama. Gusto mo sa kanan o kaliwa?”
“Hindi ako matutulog dito.”
“Then you’ll stand all night. I don’t care.”
Tumalikod siya at pumasok sa walk-in closet. Naiwan akong nakatayo sa gitna ng silid, halos mawalan ng hangin.
Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung mas delikado ba siya o ang mga sinasabi niyang kalaban.
At mas lalong hindi ko maintindihan kung bakit ako... bakit ako ang piniling pakasalan niya.
Pagbalik niya, nakapambahay na siya gray na cotton shirt at black sweatpants. Pero kahit sa simpleng ayos, hindi nawawala ang bagsik sa katawan niya.
“Matulog ka na,” utos niya. “Alas-sais pa lang bukas may bisita na tayo. You’ll need your strength.”
“Anong klaseng bisita?”
“Someone from the past. Someone you should meet.”
Bago pa ako makapagtanong muli, humiga na siya sa kanyang side ng kama. Tahimik. Parang wala nang kailangang ipaliwanag.
Tumayo pa rin ako roon, matigas ang katawan, mga kamay ay nanginginig sa gilid ko.
Hanggang sa marinig ko muli ang boses niya. Mahina. Pero matalim.
“Clara… kung gusto mong mabuhay, huwag kang matigas ang ulo.”
At sa wakas, dahan-dahan akong lumapit. Naupo sa kama. Tumagilid paharap sa malayo, kahit ramdam ko ang init ng katawan niyang malapit sa likod ko.
Hindi ko alam kung makakatulog ako ngayong gabi.
Pero isang bagay ang malinaw.
Nasa loob na ako ng lungga ng halimaw.
Hindi ko alam kung ilang minuto kaming nanatiling tahimik ni Lucien. Pero ramdam ko ang bigat ng hanging namamagitan sa aming dalawa. His fingers were still wrapped around the warm porcelain cup of his coffee, untouched since he sat down. Ako naman, halos hindi na gumalaw sa pagkakaupo. Para kaming mga tau-tauhan sa isang eksenang hindi namin napaghandaan—pero may mabigat na script na pilit isinusubo sa amin.
"Anong iniisip mo?" tanong niya, his voice low and rough, parang raspy violin strings sa kalagitnaan ng isang malungkot na kanta.
Napatingin ako sa kanya. Sa mga matang tila laging may binibitbit na lihim.
"Kung may patutunguhan ba 'to," sagot ko sa wakas. "Kung may silbi ba 'tong ginagawa natin. Kung may halaga ba ako sa mundong ginagalawan