Hindi ako nakatulog buong gabi.
Gumugulong ako sa king-sized bed na parang ulila sa sariling buhay. Tahimik ang buong mansion, pero hindi ang isip ko. Mula sa kinatatayuan ko sa malaking kama, kitang-kita ko ang silhouette ng lungsod mula sa floor-to-ceiling windows. Dapat ay tanawin iyon ng kapayapaan, pero sa akin? Para akong nasa hawla. Ginto nga ang kulungan, pero kulungan pa rin.
May mga naririnig akong yabag mula sa ibaba, tila may mga taong patuloy sa pagkilos kahit dis-oras ng gabi. Mga lalaking pabulong kung mag-usap, parang sanay sa lihim. Hinigpitan ko ang kumot sa katawan ko at pinilit ang sarili na ipikit.
Pero bago pa man ako makatulog, isang mahinang tunog ang umalingawngaw mula sa labas.
Parang may nabasag. Mabilis. Matinis. At kasunod noon…
Sigaw.
Babae.
Agad akong napatayo.
Nag-aalangan ako kung lalabas ba ako ng kwarto o magtatago na lang. Pero hindi ko kayang balewalain ang narinig ko. Lumapit ako sa pintuan at marahang binuksan iyon, hanggang makasingit ang katawan ko palabas. Tahimik kong tinahak ang pasilyo pababa, pilit iwasan ang mga sahig na nag-iingay kapag natatapakan.
Hanggang sa marating ko ang likod ng grand staircase.
Doon ako napahinto.
May maliit na siwang sa isang double door at mula roon ay tanaw ko ang nangyayari sa loob ng silid.
Si Lucien. Nakatayo. Nakatalikod. May hawak siyang baril.
At sa harap niya?
Isang lalaki, nakaluhod, duguan ang mukha. Umiiyak.
“Boss, hindi ko po sinasadya! Akala ko—”
Tumigil ang mundo ko.
Isang iglap lang. Isang putok. Walang pag-aalangan.
Nagsisigaw ang katawan ko pero hindi ako makagalaw. Nanigas ang lahat ng kalamnan ko habang pinapanood si Lucien na ibinalik sa holster ang baril, waring walang nangyari. Tumalikod siya sa bangkay, humarap sa mga tauhan niyang parang mga anino sa dilim.
“Linisin ‘yan bago ako bumalik sa taas.”
At doon ko nakita sa gilid ng leeg niya, dumapo ang liwanag ng lampshade. Duguan ang gilid ng palad niya.
Dugo. Sa kamay ng lalaking pinakasalan ko.
Mabilis akong umatras. Nanginginig ang tuhod ko habang bumalik ako sa kwarto, pilit sinasarado ang pinto nang hindi makalikha ng ingay. Muli akong napaupo sa kama pero hindi na ako makahinga ng maayos. Nanginginig ang buong katawan ko.
Ang lalaking kasama ko sa bahay, ang lalaking asawa ko mamamatay tao.
Hindi ko na kailangang itanong kung anong klaseng pamilya ang pinasok ko. Ang tanong na lang:
Makakalabas pa ba ako sa bahay na ‘to nang buhay?
Kinabukasan
May kumatok sa pinto ng kwarto ko. Isang katulong, may dalang tray ng pagkain.
“Breakfast po, Ma’am Clara.”
Pilit akong ngumiti. “Salamat.”
“May bilin po si Sir Lucien. Sa alas-diyes ng umaga, bumaba po kayo sa study room. Gusto niya raw po kayong makausap.”
Bumilis ang t***k ng puso ko. Hindi ko alam kung may nalaman siyang sumilip ako kagabi. Pero hindi ko rin kayang tumanggi. Walang sinuman ang pwedeng tumanggi kay Lucien Valderama. Kahit ako na misis niya sa papel.
Alas-Diyes ng Umaga – Study Room
Tahimik ang buong paligid habang papasok ako sa silid. Makapal ang carpet. Madilim ang ilaw. Amoy kahoy na mamahalin at tabako ang buong lugar.
Nakita ko siyang nakaupo sa high-back leather chair, nakapikit, may hawak na baso ng whisky kahit umaga pa lang. Hindi siya nagsalita agad nang pumasok ako.
“Upo ka,” aniya, tinuturo ang silya sa harap niya.
Umupo ako. Tahimik.
Tinitigan niya ako matagal. Parang binabasa ang laman ng isip ko. Pinagpapawisan ako kahit malamig ang aircon.
“Nakakita ka kagabi, ‘di ba?”
Kinilabutan ako.
Hindi ko kayang magsinungaling. “Opo.”
Inilapag niya ang baso. Tumayo siya at dahan-dahang lumapit sa akin. Tumigil siya sa harap ko. Lumingon pababa, hawak ang baba ko sa dalawang daliri.
“Takot ka sa’kin?”
Hindi ako agad nakasagot.
“Sumagot ka, Clara.”
“…Opo.”
Tumango siya. “Mabuti naman. Dahil dapat lang.”
Napakagat ako sa labi, pilit pinipigilan ang pag-iyak. Pero sa likod ng malamig na tinig niya, may ibang nakatago isang lungkot? O galit?
“I did what I had to do,” dagdag niya, mahina. “You married a man with enemies. A man with blood on his hands. Sana inalam mo ‘yon bago ka pumirma.”
Hinawi niya ang buhok sa gilid ng mukha ko at bumulong.
“Pero wag kang mag-alala, Clara. Dahil kahit anong mangyari…”
“Hindi kita pababayaan. Hindi habang asawa kita.”
At doon ko unang nakita ang bahagyang bitak sa pader niya. Hindi niya lang ako pinaprotektahan dahil kontrata ang kasal. May parte sa kanya na... nagsisinungaling. At may parte rin sa’kin na gustong malaman pa ang lalim ni Lucien Valderama.
“Hindi ako laruan, Lucien. At lalong hindi ako aso na pwede mong utus-utusan!”
Tumigil ako sa pagsasalita, but my heart was racing. Ang mga palad ko, nanginginig. Nanunuyo ang lalamunan ko, pero mas pinili kong tumingin sa kanya nang diretso hindi dahil matapang ako, kundi dahil pagod na akong manatiling tahimik.
Napahinto si Lucien sa gitna ng paglalakad. Ang buong katawan niya, parang yelo sa lamig ng galit na hindi niya inaamin. Mabagal siyang lumingon pabalik sa akin, pero hindi agad nagsalita.
Nasa gilid kami ng hagdan, and the silence was so heavy, I could hear my own breathing. Akala ko sasagutin niya ako ng galit, pero imbes ay lumapit siya. One step. Another. Hanggang sa halos magdikit na kami.
“You’re speaking to me like I’m the villain here,” mahina niyang sabi, pero ang tono niya ay hindi maamo. Parang may pinipigilan sa sarili.
“Hindi mo ba talaga napapansin, Lucien?” Tumulo ang luha ko nang hindi ko namamalayan. “Ang bait-bait mong magpakita sa mundo. Suplado pero matulungin. Misteryosong mayaman. Pero sa likod ng saradong pinto, kung paano mo ako itrato…”
Napasinghap siya. Ilang saglit pa ay yumuko si Lucien, at ang mga mata niya no longer unreadable ay tila tinamaan.
“Do you hate me now?” mahina niyang tanong.
Hindi ko inaasahan 'yon. Hindi ko alam kung sinadya niya o may kung anong bumigat sa kanya sa tanong na 'yon. Pero ang sagot ko, walang kahingian:
“Hindi. Pero nasasaktan ako.”
Nakita ko ang pagbabago sa mata niya. Parang may kumurot sa puso niya o baka iniisip ko lang. Wala akong inaasahan mula sa kanya. Hindi yakap. Hindi sorry. At lalong hindi pagmamahal.
Kaya’t nagulat ako nang hawakan niya ang braso ko. Hindi marahas. Hindi rin pilit. Para bang… hindi niya alam kung paano magsimulang magpaliwanag.
“Clara…”
“Ikaw ang pumili nito, Lucien. Itong kasunduang ‘to. Ang kontratang ‘to. So stop acting like I’m the problem.”
Pinakawalan niya ang kamay ko. Hindi siya umimik. Umikot siya at bumalik sa loob ng mansion, habang ako'y naiwan, nanginginig pero mas magaan ang dibdib.
That was the first time I stood up to him.
And maybe… just maybe… it was the first time he actually listened.
Madilim na ang langit nang makalabas ako ng bahay.
Tahimik ang buong paligid, at ang malamig na simoy ng hangin ay tila nakikiisa sa bigat ng dibdib ko. Wala akong dalang kahit ano—maliban sa wallet na isiniksik ko sa bulsa ng jacket, at isang lumang photo ni Noel na laging nasa pitaka ko.
Hindi ako sigurado kung saan ako pupunta, pero alam ko kung bakit ako umaalis.
Pagod na ako.
Hindi lang sa mga utos ni Lucien, kundi sa sariling hina ko na hindi ko na makilala.
Naglakad ako hanggang sa main gate. Hindi ko inaasahang makalusot. Pero pagdating ko roon
“Ma’am Clara,” sabi ng guard, medyo nagulat. “Mag-isa po ba kayo?”
Tumango lang ako. “Babalik din ako,” mahina kong tugon. “Kailangan ko lang… umalis.”
Nagkatinginan ang dalawang guwardya. Sa loob ng ilang segundo, hindi sila gumalaw.
Hanggang sa may bumukas na ilaw sa itaas ng terrace.
At sa liwanag ng poste ng ilaw, nakita ko si Lucien.
Nakasuot lang siya ng plain gray shirt at itim na joggers, parang bagong gising. Pero ang mga mata niya matindi ang titig. Hindi galit. Hindi rin malamig. Para bang… gising.
Hindi siya nagsalita.
Hindi rin ako.
Hindi siya bumaba. Hindi niya ako sinundan. Hindi niya ako pinigilan.
Pero nanatili siya roon nakatingin habang binubuksan ng guwardya ang gate.
At sa bawat hakbang ko palayo, pakiramdam ko sinusunog ako ng mga matang 'yon.
Nakarating ako sa hospital nang madaling araw. Diretso ako sa ICU kung saan naka-confine si Noel.
Nakasalubong ko ang nurse. At ang mga salitang binitiwan niya ay parang kumurap ng ilaw sa paligid ko:
“Miss Evangelista, nag-seizure ulit ang kapatid mo kaninang hatinggabi. Pero stable na siya ngayon. May emergency meds na binigay… at may nag-settle na rin ng bayarin.”
Napatigil ako.
“Ano pong sabi n’yo?” mahina kong tanong.
“Someone already paid for everything. The same person who did before. Sabi ng admin, asawa niyo raw.”
Parang may sumiklab na kirot sa dibdib ko. Napaupo ako sa silyang pinakamalapit. Napahawak ako sa dibdib ko, na parang nahirapan akong huminga.
Hindi ko alam kung ano ang mas mabigat ang guilt ba dahil iniwan ko siya, o ang kaba dahil kahit gano’n, hindi niya pa rin ako kayang hayaan.
Ilang oras pa ang lumipas bago ko siya muling nakita.
Habang nakaupo ako sa waiting area, nakayuko’t pilit na nilalabanan ang pag-idlip, ay may dumating. Mula sa sulok ng mata ko, nakita ko ang isang pamilyar na pares ng sapatos.
Tumaas ang paningin ko.
Lucien.
Nakatayo siya roon, hawak ang isang paper bag na may mainit pang pagkain, at ang mukha niya pagod. Hindi galit. Hindi malamig. Hindi rin sigurado.
“Bumalik ka,” sabi niya, para bang siya ang naghintay.
“Wala akong choice,” bulong ko.
Umupo siya sa tabi ko. Ilang sandali kaming tahimik.
“You left,” muli niyang ulit, this time softer. “Pero alam kong babalik ka.”
Napatingin ako sa kanya, at sa unang pagkakataon, nakita ko kung gaano siya kapuyat. Wala ang usual cold aura niya. Wala ang intimidating presence.
Ang naiwan lang… ay isang lalaking nasaktan.
“At alam kong hindi mo ako kayang iwan habang ganito ang kapatid mo,” dagdag niya.
Hindi ako umimik. Pero bigla na lang tumulo ang luha ko. Hindi dahil sa kanya. Hindi dahil sa sakit. Kundi dahil… hindi ko alam kung sino ang mas dapat kong unawain siya o ang sarili ko.
Kinuha niya ang panyo sa bulsa ng coat niya, saka iniabot sa akin.
“Clara…”
“Wag mo na akong sabihan ng kahit ano. Kasi sa bawat salita mo, mas lalo akong nalilito.”
“Then don’t listen to my words.”
Napatingin ako sa kanya.
“Watch what I do next.”