CHAPTER 1

1372 Words
"Clara, gumising ka na, anak… baka mahuli ka na naman." Mahina pero mapag-alalang boses ni Mama ang unang umalingawngaw sa tenga ko, kasabay ng amoy ng kape at malabnaw na sabaw ng noodles. Agad akong napapikit ulit, kahit gising na talaga ‘yung diwa ko. Kasi ayoko pang harapin ‘yung reyalidad. Mas gusto ko pang manatili sa panaginip kung saan wala akong utang, walang problema, at hindi ako ubos. Pero hindi ako prinsesa sa panaginip. Ako si Clara Evangelista, panganay sa dalawang magkapatid, working student, at certified taong-grasa kung pagod ang pag-uusapan. "Oo na po, Ma. Sandali lang po." Hinaplos ko ang manipis na kutson sa likod ko, tiniklop ang kumot na halos wala nang lambot, at dahan-dahang bumangon. Parang may dumadagundong na martilyo sa likod ng ulo ko. Gutom? Pagod? Hindi ko na alam. Basta ang alam ko lang, isa na namang araw ng laban. Mula sa maliit naming kuwarto na gawa sa pinagtagpi-tagping plywood, tanaw ko agad ang kapatid kong si Noel. Payat. Maputla. May oxygen cannula sa ilong. Tulog pa siya pero may mga hikbi sa sulok ng labi niya. Siguro nanaginip na naman ng hindi maganda. "Ma, kumain na po kayo?" tanong ko habang sinusuot ang pudpod kong sapatos na may butas sa gilid. "Ikaw na lang, Clara. Ako mamaya na. May tinira ako para sa'yo." Hindi ko na siya kinontra. Kahit gutom ako, alam kong mas kailangan niya 'yon. Ganun naman kami—palaging nagpapalitan ng sakripisyo. Sa jeep, sumandal ako sa bintana at pinikit ang mga mata. Sa pagitan ng ingay ng tambutso at sigaw ng kundoktor, iniisip ko kung paano ko pagkakasyahin ang tatlong daang piso sa tatlong trabaho, isang tuition fee, at isang maintenance ni Noel. Hindi ko na rin mabilang kung ilang beses na akong gustong sumuko. Pero hindi pwede. Kasi kapag bumitaw ako, sino pa ang hahawak sa pamilya namin? Pagdating sa university, halos hindi ko na maramdaman ang paa ko sa sobrang lakad. Pumasok agad ako sa registrar’s office para sa part-time job ko bilang student assistant. "Evangelista, late ka na naman," sabi ng supervisor ko, sabay tingin sa relo niya. "Pasensya na po. Nasiraan po kasi ng jeep kanina," palusot ko kahit totoo rin naman. "Tatlong beses ka nang late ngayong buwan. Isa pa, tatanggalin na kita." Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Gusto kong magpaliwanag. Gusto kong umiyak. Pero wala akong karapatang umangal. Dahil kailangan ko 'tong trabaho. Kahit maliit ang sahod. Kahit pinandidirihan ako ng mga kaklase kong mas sosyal ang sapatos kaysa sa sahod ko sa isang linggo. Pagkatapos ng trabaho sa university, diretso ako sa café kung saan ako nagbabarista. Tapos mamayang gabi, may online orders pa akong kailangan ipadala. Sa mga oras na ‘to, gusto ko na lang ma-disconnect sa mundo. Pero hindi pwede. Kasi si Noel, si Mama… sila ang dahilan kung bakit ako lumalaban. Pero habang binubura ko ang pawis sa leeg at kinakausap ang isang rude na customer, napaisip ako—hanggang kailan ganito? Hanggang kailan ako magiging martir? Gabi. Habang nasa rooftop ako ng university at nakatingin sa dilim ng langit, doon ko binitiwan ang bigat na matagal ko nang kinikimkim. "Lord… kailan niyo po ako ilalabas dito?" Tahimik lang ang langit. Tahimik din ang luha ko. At sa katahimikang ‘yon, doon ko narinig ang yabag ng sapatos. Lumingon ako. Isang lalaki, naka-itim, may hawak na envelope. Hindi siya pamilyar. Mukha siyang bodyguard sa mga pelikula. Diretso siyang lumapit at iniabot ang sobre. "Clara Evangelista?" Tumango ako. "Someone wants to help. Read this." Hindi ako kumibo. "Libre ‘tong tulong na ‘to. Pero may kapalit." "Anong kapalit?" Isang mapanganib na ngiti lang ang isinagot niya. "Basahin mo. Pero tandaan mo, hindi lahat ng alok ay biyaya. Minsan… bitag din." Hindi ako makagalaw. Nakahawak lang ako sa sobre. Sa gitna ng malamig na hangin at katahimikan ng rooftop, parang biglang tumigil ang mundo. Nakaalis na ‘yung lalaki pero naiwan sa dibdib ko ‘yung bigat ng mga sinabi niya. "Libre ‘tong tulong na ‘to. Pero may kapalit." Bitag. Bitag ba ‘to? O ito na ‘yung sagot sa mga dasal kong paulit-ulit kong inuusal gabi-gabi habang pinipigil ang hikbi sa unan? Pag-uwi ko, tahimik akong dumaan sa sala. Si Mama, tulog na sa lumang sofa. Si Noel, nakasandal sa pader, hinihingal pero mahimbing ang tulog. Kumapit ang puso ko sa eksenang ‘yon. Kaya kahit nanginginig ang kamay ko, binuksan ko na rin ang sobre. Isang kontrata. May pirma na sa ilalim. Isang lalaki ang nakapirma Lucien V. Valderama. Sa taas ng dokumento: KASUNDUAN NG KONTRATA NG KASAL (Marriage Contract Agreement Confidential) Napakunot noo ako. Kasal? Kontrata? Bumilis ang t***k ng puso ko habang binabasa ang nilalaman: “This contract legally binds Clara Evangelista and Lucien Valderama in a marriage of convenience lasting for a minimum of one (1) year. Both parties agree to the following conditions…” Lumunok ako. May nakasaad pang “The bride’s family shall receive full medical sponsorship, housing allowance, and monthly financial aid in exchange for complete discretion, obedience to public appearances, and fulfilling duties as Mrs. Valderama.” Para akong nahilo. Kasal? Sa lalaking hindi ko kilala? Para sa pera? Para sa tulong? Pero para sa pamilya? Bigla kong naalala si Noel kung paano siya halos hindi makahinga kapag wala siyang oxygen. Kung paano tinitiis ni Mama ang pananakit ng likod niya kakalaba. Kung paano ako halos mawalan ng ulirat kakatrabaho… at wala pa rin kaming nababawas sa utang. Isa lang ‘to sa dalawang bagay: kaligtasan, o kapahamakan. Kinabukasan. Tahimik lang ako habang nasa university. Para akong zombie. Ni hindi ko alam kung nakapasok ba ‘yung leksyon sa klase ko. Lahat ng sinabi ng prof? Wala. Puting ingay lang. Puro ‘yung kontrata ang laman ng utak ko. "Lucien V. Valderama." Sino siya? Bakit ako? Bakit ko? Pagkauwi, may dumating na itim na SUV. Bumaba ang parehong lalaking nag-abot sa akin ng sobre kagabi. Nakasuot pa rin siya ng all-black na parang bodyguard, pero mas maangas ngayon. "Handa ka na ba, Miss Evangelista?" tanong niya. Napatingin ako kay Mama. "Clara, sino ‘yan?" tanong niya, may kaba sa boses. Hindi ko masagot agad. Pero tiningnan ko si Noel. Nangingitim ang ilalim ng mata. Payat na payat. At si Mama, may pilay na ang lakad, pero pilit pa ring naglalaba. Humikbi ako ng mahina. "Ma… may tutulong po sa’tin." "Huwag mong sabihing " "Legal, Ma. Kontrata ‘to. Hindi masama… hindi naman sila illegal." "Anong kapalit?" Napangiti ako kahit nanginginig. "Kasal po." Ilang Araw Ang Lumipas Dinala nila ako sa isang private estate. Hindi resort. Mas mukhang fortress. May gate na bakal, may CCTV sa bawat poste, at may mga lalaking mukhang military. Doon ko siya unang nakita. Lucien Valderama. Nakatayo sa veranda, hawak ang isang baso ng whiskey. Matangkad. Maputi pero may init sa mata. May suot na itim na turtleneck at dark slacks. Parang boss sa isang mafia movie tahimik pero delikado. "Clara Evangelista," sabi niya, malamig ang boses. "You’re prettier than your photo." Napasinghap ako. Hindi dahil sa papuri, kundi dahil sa tono. Para akong bagay na binili. Hindi babae. Hindi tao. "Why me?" tanong ko. He looked at me, straight in the eyes. "Because you’re desperate enough not to ask too many questions." Boom. Tinamaan ako. Pero totoo. At sinabi pa niya, "And I need a wife. Not for love. For image. That’s all you are to me image." Hindi ko alam kung nasaktan ako. Pero mas nauna ang takot. Wala nang atrasan. Wala nang urungan. Tinanggap ko ang kontrata, ang kasal, ang kapalit. At sa mismong gabing ‘yon, tinatakan ni Lucien ang agreement hindi ng halik. Hindi ng lambing. Kundi ng babala. “Starting tomorrow, you belong to me.” Ilang beses ko nang narinig sa mga teleserye ‘yung line na "Simula ngayon, akin ka na." Akala ko noon, kilig ‘yon. Pero ngayong mismong bibig ng lalaking ikakasal ko na ang bumigkas no’n, habang wala man lang emosyon sa mukha niya—ibang klase pala ‘yung takot na dala nun. Hindi siya nang-aakit. Hindi siya nananakot. Pero mas nakakatindig-balahibo dahil parang wala lang sa kanya. Parang sanay siyang mag-angkin. Sanay siyang kumuha. At sanay siyang hindi tinatanggihan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD