Chapter 23

1298 Words

Nanami Yoshino (Katana) Wala talaga akong plano kanina nang sumakay ako ng train mula Australia hanggang Valier. Ni hindi ko nga alam kung ano ba ang gagawin ko dito para maipagpatuloy ang buhay na pilit inagaw sa akin ilang taon na ang nakakalipas. Kaya naman hindi ko inaasahan na dito din pala ako mapapadpad. Sa mismong harap ng bahay ng aking tiyahin. Ang kapatid ni Daddy na siyang kukupkop sana sa akin noon. At plano ko na nga sanang umalis kanina bago pa may makakita sa akin ngunit eksakto namang bumukas ang gate nila at mabilis akong namukhaan ni Tita Ayami. Nakilala nga niya agad ako at nanlaki pa ang mga mata dahil sa hindi inaasahang pagkikita. Bakas din sa kanyang mukha ang matinding pagkalito, marahil ay dahil sa pananatili kong bata kahit na ilang taon na ang lumipas. Per

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD