Nanami Yoshino (Umi Weiya) Hindi ko alam kung tama ba ang desisyon kong pumayag sa suggestion nila Lychee na makipag-sparring ako kay Ashen. Eh ang sabi naman nila ay kapag ito ang kaharap ko ay hindi ko na kakailanganin pang mag-hold back dahil isa din naman itong parasites na may higit na kakayahan at lakas kumpara sa mga normal na tao. Kaya agad na kaming pumunta sa training field ng headquarters. Pinagsuot pa kami ni Lychee ng gloves to make sure that we will not kill each other, especially me, since I do have the ability to kill my own kind with just bare hands. At siguradong hindi iyon magugustuhan ni Katana kaya mas mabuti na din na nag-iingat kami. At nang masigurong maayos na ang mga gloves na suot namin ay agad na nagsimula ang palalaban namin ni Ashen. Noong una ay tansyah

