Nanami Yoshino (Katana Light) “Ashen, you already met my daughter, Karina,” tukoy ko sa anak ko nang salubungin nila kami pagbalik ko dito sa unit namin kasama sina Ashen. “And that young man is my son, Leion.” Nakangiting kumaway si Karina sa kanya habang si Leion ay seryoso lang siyang tinanguan. Well, suplado talaga sa personal iyang panganay ko. Kahit pa pumayag na siya noon na mag-date kami ni Ashen ay hindi naman ibig sabihin noon ay talagang boto na siya dito para sa akin. “And these two are new in our group, Milan and Arkel.” Itinuro ko ang dalawa ng banggitin ang pangalan nila. “Guys, these are my children.” Itinuro ko naman ang mga anak ko habang nakatingin kina Main. “Don’t be too surprise on how we look. Sadyang isa ang ageless face sa naging epekto ng experiment na ginawa s

