Nanami Yoshino (Katana Light) It has been two days since I had a conversation with Khionen. At mula noon ay hindi pa siya muling nagpaparamdam sa amin. At dahil hinihintay nga namin si Leishen ay nagdesisyon na kaming hindi na muna umalis sa rooftop ng building na kinalalagyan namin upang hindi kami magkasalisi ng landas. Siya at si Ryuu na lang ang kumikilos papunta sa amin nang sa gayon ay masiguro namin na magtatagpo ang landas namin. Pero hindi iyon magiging madali dahil hinahabol na sila ng mga tauhan ni Khionen at nasisiguro kong mayroon na din trap sa paligid ng kinalalagyan namin kung sakali man na makarating pa sila dito. Habang kami ay abala sa pagpapatumba ng mga zombies na wala sa kontrol ni Khionen tuwing gabi upang kahit paano ay mabawaasan na ang kakalabanin namin. “Mo

