Nanami Yoshino (Katana Light) “Mom!” Agad akong dinamba ng yakap ni Karina nang makita akong naghihintay sa labas ng arriving area ng airport. Kasunod niya ang laging seryosong si Leion na tinanguan lang ako habang nakasuot sa kanyang bulsa ang dalawang kamay. “I miss you so much, Mom,” ani Karia. Hinigpitan pa niya ang yakap niya ng mga ilang sandali at siya na din ang bumitaw sa akin. “Ikaw lang mag-isa dito?” Sinisipat pa niya ang paligid ko at parang may kung sinong may hinahanap. Tumango ako. “Yes, ako lang ang mag-isang susundo sa inyo. Hindi ko na sinama si Ashen dahil abala pa siya sa pagte-training kina Arkel at Main.” Kinuha ko ang ilan sa mga bag nila. “Let’s go. Naihanda na ni Scarlet ang tutuluyan natin. At nandoon na din ang mga gamit na kakailanganin ninyo habang nandito

