Nanami Yoshino (Katana) “What are you doing?” sulpot ko sa harap ni Lulu nang makita ko siyang sumisilip sa pader na siyang naghihiwalay sa bakuran ng bahay nila at bakuran ng bahay ni Tita Ayami. Nanlaki ang mga mata niya at mabilis na napaatras. Akma pa nga sanang tatakbo pero agad ko nang hinawakan ang kanyang kamay. “Oops,” sabi ko. “Bawal tumakbo palayo.” I am sure that even though she is resisting, I can’t see fear in her eyes and that made me think that she actually wants to talk to me. “Can you please stop resisting?” sabi ko. “Pareho naman nating alam na gusto mo akong makausap.” Natigilan siya at dahil sa naging reaksyon niyang iyon ay nasisiguro kong tama nga ang iniisip ko. Kaya dahan-dahan ko na siyang binitiwan. “So?” Tinaasan ko siya ng kilay. “What do you want from m

