Nanami Yoshino (Katana Light) Hindi na ako inimik ni Karina matapos kong sabihin ang plano kong pagpaslang kay Khionen. Alam kong naiintindihan naman niya kung bakit ako nagdedesisyon ng ganito pero pinipili niyang huwag tanggapin ito dahil sa pagmamahal niya sa kanyang ama. Pero hindi na kasi tama ang ginagawa ni Khionen. At hindi na din sasapat ang plano kong pagpapatawad sa kanya dahil hindi nito mabubura ang lahat ng bagay na ginagawa niya ngayon. He is risking, not only the people in this city, but all people in the whole world just to get what he wants. At hindi iyon ang Khionen na nakilala ko noon. “Mom,” Lumapit sa akin ni Leion at naupo sa tabi ko. Kasalukuyan kaming tumigil sa isang abandonadong building na hindi kalayuan sa stadium na pinasabog ni Khionen. Madilim na kas

