Nanami Yoshino (Umi Weiya) Idinilat ko na ang mga mata ko at bumungad sa akin ang isang silid na halos salamin ang apat na pader. Though I am sure that this is a one sided mirror kaya hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin para pumasa sa pagsusulit na gusto nilang gawin ko nang sa gayon ay makasigurado sila na kakampi nila ako. Tumayo ako sa kamay na nasa gitna ng silid at dahan-dahang lumapit sa salamin. Diretso ang tingin at nagpapanggap na nakatingin ako sa sarili ko pero ang totoo ay kanina pa ako nakikiramdam sa kung ano ba ang nasa kabila ng mga salamin na ito. Bahagya akong natigilan nang makarinig ako ng mahinang tunog na para bang may kung anong gas silang ipinapasok sa silid na ito. At dahil sa dami ng eksperimento na dinanas ng katawang ito ni Katana ay madali kong

